JULY 25 Reflection for the Day

The slogans used in Gamblers Anonymous are seemingly clear and simple. Yet they may still have different meanings for different people, according to their own experiences and reactions to the words and ideas. Take, for example, the slogan Let Go and Let God. For some people, it may suggest that all we have to do is sidestep the challenges that confront us and, somehow, God will do all the work. We must remember that God gives us free will, intelligence, and good senses—it is clearly His intention that we use these gifts. If I’m receptive, God will make His will known to me step by step, but I must carry it out.

Do I sometimes act as if surrender to God’s will is a passport to inertia?

Today I Pray

May my passport be stamped and ready to take me forward. May my travels be motivated by challenges I can readily recognize as things to do, not things to watch. I pray that I may make the most of my gifts from God, of talents that I am aware of and some I have yet to discover. May I not let go and give up but keep on learning, growing, doing, serving, praying, carrying out the will of God as I understand it.

Today I Will Remember

God meant me to make the most of myself.

TAGALOG VERSION

Ika-25 ng Hulyo

Pagninilay para sa Araw na ito

Ang mga salawikain na ginamit sa Gamblers Anonymous ay tila malinaw at simple. Gayunpaman maaari pa rin silang magkaroon ng magkakaibang kahulugan para sa iba’t ibang tao, ayon sa kanilang sariling mga karanasan at reaksyon sa mga salita at ideya. Halimbawa na lang ang salawikain na Let Go and Let God (Bitawan Mo at Hayaan ang Diyos). Para sa ilang mga tao, maaaring magmungkahi ito na ang kailangan lang nating gawin ay iwasan ang mga hamon na kinakaharap natin at, kahit papaano, gagawin ng Diyos ang lahat ng trabaho. Dapat nating tandaan na ang Diyos ay nagbibigay sa atin ng malayang pagpapasya, katalinuhan, at mabuting pag-unawa—malinaw na ang Kanyang hangarin ay gamitin natin ang mga biyayang ito. Kung tatanggapin ko, ipapaalam sa akin ng Diyos ang Kanyang kalooban paunti-unti ngunit dapat kong isagawa ito.

Kumikilos ba ako minsan na parang ang pagsuko sa kalooban ng Diyos ay isang pasaporte na hindi na lang ako gagalaw?

Ngayon ipinagdarasal ko…

Nawa’y matatakan ang aking pasaporte at maging handang isulong ako. Nawa ang aking mga paglalakbay ay ma-udyokan ng mga hamon na madali kong makilala bilang mga bagay na dapat gawin, hindi mga bagay na pinapanood. Ipinagdarasal ko na masulit ko ang aking mga biyaya mula sa Diyos, sa mga talento na alam ko at sa ilang talento na matutuklasan ko pa lamang. Huwag sana akong bumitaw at sumuko ngunit magpatuloy akong matuto, lumago, magtrabaho, maglingkod, manalangin, gawin ang kalooban ng Diyos ayon sa pagkakaintindi ko rito.

Ngayon tatandaan ko…

Sinadya ng Diyos na sulitin ko ang sarili ko.


*** PAUNAWA: Pinapaalam po na ang pagsasalin sa Tagalog ng “Pagninilay sa Araw na Ito” ay hindi aprubado ng GA International Service Office. Ito po ay ginagawa ngGA PILIPINAS para makatulong sa mga adik na gustong magbago.