JULY 31 Reflection for the Day

One of the most serious consequences of the me-me-me syndrome is that we lose touch with practically everyone around us—not to mention reality itself. The essence of self-pity is total self-absorption, and it feeds on itself. Rather than ignore such an emotional state—or deny that we’re in it—we need to pull out of our self-absorption, stand back, and take a good honest look at ourselves. Once we recognize self-pity for what it is, we can begin to do something about it.

Am I living in the problem rather than the answer?

Today I Pray

I pray that my preoccupation with self, which is wound up tight as a Maypole, may unwind itself and let its streamers fly again for others to catch and hold. May the thin, familiar wail of me-me-me become a chorus of us-us-us, as we in the Fellowship pick apart our self-fullness and look at it together.

Today I Will Remember

Change me-me-me to us-us-us.

TAGALOG VERSION

Ika-31 ng Hulyo

Pagninilay para sa Araw na ito

Ang isa sa mga pinakaseryosong kahihinatnan ng sakit na ako-ako-ako ay nawawalan tayo ng ugnayan sa halos lahat ng tao sa paligid natin—kasama na ang pagkawala ng ugnayan sa katotohanan mismo. Ang diwa ng pagkaawa sa sarili ay ang lubos na pagiging abala sa sarili lamang, at pinapakain nito ang sarili nito. Sa halip na huwag pansinin ang emosyonal na estadong ito—o tanggihan na nandiyan tayo—kailangan nating umalis mula sa ating lubos na pagiging abala sa ating sarili lamang, lumayo, at tingnan nang mabuti ang ating sarili. Sa sandaling makilala natin ang pagkaawa sa sarili para sa kung ano ito talaga, maaari nating simulang may gawin tungkol dito.

Nakatira ba ako sa problema kaysa sa sagot?

Ngayon ipinagdarasal ko…

Ipinagdarasal ko na ang aking pagiging abala sa aking sarili, na mahigpit na mahigpit na nakabalot sa akin, ay maaaring lumuwag at kumalas sa aking sarili at hayaang makisalamuha ako nang mabuti sa ibang tao. Nawa ang manipis at pamilyar na daing ng ako-ako-ako ay maging isang koro ng tayo-tayo-tayo, habang tayo sa Fellowship ng GA ay magpupuna ng ating maling pagdepende lamang natin sa ating sarili at titignan ito nang magkakasama.

Ngayon tatandaan ko…

Palitan ang ako-ako-ako ng tayo-tayo-tayo.


*** PAUNAWA: Pinapaalam po na ang pagsasalin sa Tagalog ng “Pagninilay sa Araw na Ito” ay hindi aprubado ng GA International Service Office. Ito po ay ginagawa ng GA PILIPINAS para makatulong sa mga adik na gustong magbago.