JULY 9 Reflection for the Day

Samuel Johnson wrote: … he who hath so little knowledge of human nature as to seek happiness by changing anything other than his own disposition will waste his life in fruitless efforts and multiply the grief he proposes to remove. Today I understand that I am not the evil person I once thought I was, only that I have made mistakes in my lifetime that caused me and those I love much pain and grief. By changing myself today, I can face my unsettled past as a time of learning. I hope that those close to me will learn to respect the healthy choices I am making today, rather than dwelling on all the unhealthy choices I used to make.

Has the Serenity Prayer taught me to spend my efforts on changing only those things I can—namely things about myself?

Today I Pray

Help me understand that I must seek the answers to change within myself. May I choose the things that bring me happiness and serenity, and avoid the things that bring me turmoil and grief. If I allow my Higher Power to guide my life, I will be given all that is needed to make the right choices today.

Today I Will Remember

With God’s help, I choose to change myself.

TAGALOG VERSION

Ika-9 ng Hulyo

Pagninilay para sa Araw na ito

Isinulat ni Samuel Johnson:… siya na may kaunting kaalaman sa kalikasan ng tao na humanap ng kaligayahan sa pamamagitan ng pagbabago ng anupaman maliban sa kanyang sariling ugali ay magsasayang ng kanyang buhay sa walang bungang pagsisikap at magpaparami ng kalungkutan na iminumungkahi niyang alisin. Ngayon naiintindihan ko na hindi ako ang masamang taong inakala kong ako noon, nagkamali lamang ako sa aking buhay na naging sanhi sa akin at sa mga mahal ko ng labis na sakit at pighati. Sa pamamagitan ng pagbabago ng aking sarili ngayon, maaari kong harapin ang aking magulong nakaraan bilang panahon ng pag-aaral. Inaasahan kong ang mga malapit sa akin ay matutunan na respetuhin ang mga mabubuting bagay na pinipili ko ngayon, sa halip na mag-isip sa lahat ng hindi mabubuting mga bagay na pinili kong gawin dati.

Tinuruan ba ako ng Serenity Prayer (Panalangin para sa Kahinahunan) na gugulin lamang ang aking mga pagsisikap na magbago sa mga bagay na magagawa kong baguhiniyon ay ang mga bagay tungkol sa aking sarili?

Ngayon ipinagdarasal ko…

Tulungan mo akong maunawaan na dapat kong hanapin ang mga sagot upang magbago sa loob ng aking sarili. Nawa’y piliin ko ang mga bagay na nagdudulot sa akin ng kaligayahan at kahinahunan, at iwasan ko ang mga bagay na nagdudulot sa akin ng kaguluhan at kalungkutan. Kung papayagan ko ang aking Higher Power na gabayan ang aking buhay, mabibigyan ako ng lahat ng kailangan ko upang makapili ng tama ngayon.

Ngayon tatandaan ko…

Sa tulong ng Diyos, pinipili kong baguhin ang aking sarili.


*** PAUNAWA: Pinapaalam po na ang pagsasalin sa Tagalog ng “Pagninilay sa Araw na Ito” ay hindi aprubado ng GA International Service Office. Ito po ay ginagawa ng BETS OFF HOME GROUP para makatulong sa mga adik na gustong magbago.