Many of us have had difficulty ridding ourselves of the ravages of guilt. During the early days in the Gamblers Anonymous Program, I either misunderstood certain of the Steps, or tried to apply them too quickly and too eagerly. The result was that I increased my feelings of guilt and worthlessness, rather than freeing myself as the Steps intend. Soon, though, I became at least willing to forgive myself, and I made a new beginning. I undertook all the soul-searching and cleansing Steps in our Program as they were intended to be taken, and not from a below-ground position of crippling hate and guilt.
Have I made amends to myself?
Today I Pray
May I forgive myself, as God has forgiven me. May I know that if I am hanging on to an old satchel full of guilt, then I am not following the example God has shown me. If my Higher Power, who has demonstrated forgiveness by leading me to this healing place, can forgive me, then so can I. May I not begrudge myself what God has so generously offered.
Today I Will Remember
God forgives. So must I.
TAGALOG VERSION
Ika-12 ng Hunyo
Pagninilay para sa Araw na ito
Marami sa atin ang nahirapang alisin sa ating sarili ang mga pinsala ng pagkakasala. Noong mga unang araw sa Programa ng Gamblers Anonymous, maaaring hindi ko naintindihan ang ilang mga Hakbang, o sinubukan kong gawin ang mga ito nang masyadong mabilis at masyadong sabik. Ang resulta ay nadagdagan ko ang aking mga damdamin ng pagkakasala at kawalang-halaga, sa halip na palayain ang aking sarili bilang nilayon ng mga Hakbang. Pero hindi nagtagal, naging payag akong patawarin ang sarili ko, at gumawa ako ng bagong simula. Isinagawa ko ang lahat ng mga Hakbang sa ating Programa na tumutulong sa atin na hanapin at linisin ang sarili, tulad ng nilalayon ng mga ito, at hindi mula sa mababang posisyon ng nakapipinsalang poot at pagkakasala.
Pinagbayaran at tinama ko na ba ang mga pagkakamaling ginawa ko sa aking sarili?
Ngayon ipinagdarasal ko…
Nawa’y patawarin ko ang aking sarili, tulad ng pagpapatawad sa akin ng Diyos. Nawa’y malaman ko na kung nakakapit na mabuti ako sa isang lumang bag na puno ng pagkakasala, kung gayon hindi ko sinusunod ang halimbawang ipinakita sa akin ng Diyos. Kung ang aking Higher Power, na nagpakita ng kapatawaran sa pamamagitan ng pag-akay sa akin sa lugar na ito ng pagpapagaling, ay mapapatawad ako, gayon din ako. Nawa’y hindi ko pagkaitan ang aking sarili kung ano ang mapagbigay na inihandog ng Diyos.
Ngayon tatandaan ko…
Nagpapatawad ang Diyos. Kaya dapat ako rin.
*** PAUNAWA: Pinapaalam po na ang pagsasalin sa Tagalog ng “Pagninilay sa Araw na Ito” ay hindi aprubado ng GA International Service Office. Ito po ay ginagawa ng BETS OFF HOME GROUP para makatulong sa mga adik na gustong magbago.