JUNE 16 Reflection for the Day

The Ninth Step of the Gamblers Anonymous Program is: Made direct amends to such people wherever possible, except when to do so would injure them or others. To make restitution for the wrongs we’ve done can be extremely difficult, to say the least; if nothing else, it deflates our egos and batters our pride. Yet that in itself is a reward, and such restitution can bring still greater rewards. When we go to a person and say we’re sorry, the reaction is almost invariably positive. Courage is required, to be sure, but the results more than justify the action.

Have I done my best to make all the restitution possible?

Today I Pray

May I count on my Higher Power to stop me if I start to crawl out from under my Ninth Step responsibility. May I feel that blessed, liberating wash of relief that goes with saying, out loud, to someone I have harmed, I was wrong. I made mistakes. I am honestly sorry. May I not worry about cracking that brittle, cover-up crust of my ego, because the inside will be more mature.

Today I Will Remember

Restitution is blessed.

TAGALOG VERSION

Ika-16 ng Hunyo

Pagninilay para sa Araw na ito

Ang Ikasiyam na Hakbang ng Programa ng Gamblers Anonymous ay: Pagbayaran at itama ang mga mali nang direkta sa mga naturang tao saanman posible, maliban na lamang kung ang paggawa nito’y makapipinsala sa kanila o sa iba. Ang pagbayaran ang mga nagawa nating pagkakamali ay maaaring maging napakahirap; kung wala nang iba, pinapaliit nito ang ating mga sarili at ginugulpi ang ating kayabangan. Gayunpaman ito mismo ay isang gantimpala, at ang nasabing pagbabayad ay maaaring magdala ng mas malaki pang mga gantimpala. Kapag nagpunta tayo sa isang tao at sinabing humihingi tayo ng tawad, ang reaksyon ay halos walang patid na positibo. Kailangan ng lakas ng loob, sigurado iyan, ngunit higit pa na ang mga resulta ay nagbibigay-katwiran sa aksyon.

Nagawa ko ba ang aking makakaya upang magawang posible ang lahat ng pagbabayad sa pinsala?

Ngayon ipinagdarasal ko…

Nawa’y umasa ako sa aking Higher Power upang pigilan ako kung nagsisimulang gumapang ako palabas mula sa ilalim ng aking responsibilidad sa Ikasiyam na Hakbang. Nawa’y maramdaman ko ang pinagpala at mapagpalayang paghuhugas sa akin ng ginhawa na nakukuha sa pagsabi, nang malakas, sa isang taong nasaktan ko, na nagkamali ako. Nakagawa ako ng mga kasalanan. Sa totoo lang nagsisisi ako. Nawa’y hindi ako mag-alala na mabasag ang malutong na takip na balat ng aking sarili, sapagkat ang nasa loob ko ay magiging mas marunong.

Ngayon tatandaan ko…

Mapagpala ang pagbabayad sa pinsala.


*** PAUNAWA: Pinapaalam po na ang pagsasalin sa Tagalog ng “Pagninilay sa Araw na Ito” ay hindi aprubado ng GA International Service Office. Ito po ay ginagawa ng BETS OFF HOME GROUP para makatulong sa mga adik na gustong magbago.