I believe today that I have a right to make spiritual progress. I have a right to be emotionally mature. I have a right to take pleasure in my own company, and that makes me more pleasant to be with. I also have a right to become willing—deeply willing, entirely willing—to make amends to all those I’ve harmed. Because I can now accept myself the way I am, I can accept other people the way they are—not entirely, but to a much greater degree than in the past.
Have I begun to make friends with God, and thus with myself?
Today I Pray
May God show me that it’s okay to like myself, even while trying to repair old wrongs and rebuild from splinters. May I keep telling myself that I am different now. I have changed. I am a better and wiser and healthier person. I have made some good choices. As this new person, may I find it easier to make atonements for what happened long ago and in another spiritual place. May those I have wronged also find it easier to accept my amends.
Today I Will Remember
It’s okay to like myself.
TAGALOG VERSION
Ika-18 ng Hunyo
Pagninilay para sa Araw na ito
Naniniwala ako ngayon na may karapatan akong sumulong sa espirituwalidad. May karapatan akong maging marunong sa emosyon. May karapatan akong magsaya kapag kasama ko sarili ko, at dahil doon mas kaaya-aya akong kasama. Mayroon din akong karapatan na maging handa—napakahanda, lubos na handa—na pagbayaran at itama ang mga mali sa lahat ng mga nasaktan ko. Dahil maaari ko na ngayong tanggapin ang aking sarili sa kung ano ako, maaari kong tanggapin ang ibang mga tao kung ano sila—hindi sa kabuuan, ngunit sa isang mas mataas na antas kaysa sa nakaraan.
Nagsimula na ba akong makipagkaibigan sa Diyos, at sa gayon ay sa aking sarili?
Ngayon ipinagdarasal ko…
Nawa’y ipakita sa akin ng Diyos na okay lang na gustuhin ang aking sarili, kahit na sinusubukang ayusin ang mga lumang pagkakamali at muling tumayo mula sa mga pagkakadurog. Nawa’y patuloy kong sabihin sa aking sarili na iba ako ngayon. Nagbago na ako. Ako ay isang mas mahusay at mas matalino at mas malusog na tao. Nakagawa ako ng ilang magagandang desisyon. Bilang bagong taong ito, nawa’y mas madaling gumawa ako ng pagbabayad-sala para sa nangyari noon pa man at sa ibang espirituwal na lugar. Nawa’y mas madaling tanggapin ng mga taong nagawan ko ng kasalanan ang aking mga pagbabayad at pagtama sa mali.
Ngayon tatandaan ko…
Okay lang na magustuhan ko ang sarili ko.
*** PAUNAWA: Pinapaalam po na ang pagsasalin sa Tagalog ng “Pagninilay sa Araw na Ito” ay hindi aprubado ng GA International Service Office. Ito po ay ginagawa ng BETS OFF HOME GROUP para makatulong sa mga adik na gustong magbago.