JUNE 21 Reflection for the Day

Direct is a key word in the Ninth Step. There are times, unfortunately, when many of us are hopeful that indirect amends will suffice, sparing us the pain and supposed humiliation of approaching people in person and telling them of our wrongs. This is evasion and will never give us a true sense of breaking with the wrongdoings of the past. It shows that we’re still trying to defend something that isn’t worth defending, hanging on to conduct that we ought to abandon. The usual reasons for sidestepping direct amends are pride and fear.

As I make amends to others, do I realize that the real, lasting benefits accrue to me?

Today I Pray

May I be sure that the best reward for coming on straight as I try to repair my damages is, after all, my own. But may I avoid making amends purely for my own benefit—to be forgiven, to be reinstated, to flaunt the new me. Ego-puffing and people-pleasing are not part of the real new me. God save me from opportunism.

Today I Will Remember

No puffery or people-pleasing.

TAGALOG VERSION

Ika-21 ng Hunyo

Pagninilay para sa Araw na ito

Ang direkta ay isang pangunahing salita sa Ikasiyam na Hakbang. May mga oras, sa kasamaang palad, kung kailan marami sa atin ang namamag-asa na ang hindi direktang pakikipag-ayos ay sapat na, upang mailigtas tayo mula sa sakit at dapat na kahihiyan sa ating paglapit sa mga tao nang personal at pagsabi sa kanila tungkol sa ating mga mali. Ito ay pag-iwas at hindi kailanman magbibigay sa atin ng isang tunay na pakiramdam ng pagkalas sa mga maling gawain ng nakaraan. Ipinapakita nito na sinusubukan pa rin nating ipagtanggol ang isang bagay na hindi sulit na ipagtanggol, na nakasabit pa rin tayo sa pag-uugali na dapat nating talikuran. Ang karaniwang mga kadahilanan sa pag-iwas sa direktang pakikipag-ayos ay pagmamataas at takot.

Habang nakikipag-ayos ako sa iba, napagtanto ko ba na ang tunay at pangmatagalang mga benepisyo na naiipon ay para sa akin?

Ngayon ipinagdarasal ko…

Nawa’y makatiyak ako na ang pinakamagandang gantimpala ng tuwid na pagsisikap kong ayusin ang aking mga pinsala ay, sa huli, para sa aking sarili. Ngunit maiwasan ko sanang gumawa ng mga pakikipag-ayos na para sa aking sariling kapakinabangan lamang—upang mapatawad, upang maibalik sa dati, upang magpasikat kung ano ang bago sa akin. Ang pagiging hambog at palaging pagkakaroon ng kagustuhang pasiyahin ang iba para lamang makatanggap ng kanilang papuri ay hindi bahagi ng totoong bagong ako. Diyos iligtas mo ako mula sa pagiging oportunista.

Ngayon tatandaan ko…

Iwasan ang kahambugan o pagpapasaya ng tao para lamang sa kanilang papuri.


*** PAUNAWA: Pinapaalam po na ang pagsasalin sa Tagalog ng “Pagninilay sa Araw na Ito” ay hindi aprubado ng GA International Service Office. Ito po ay ginagawa ng BETS OFF HOME GROUP para makatulong sa mga adik na gustong magbago.