JUNE 24 Reflection for the Day

The primary purpose of the Gamblers Anonymous Program is freedom from compulsive gambling; without that freedom we have nothing. But that doesn’t mean I can say, for example, Compulsive gambling is my only concern. Except for that, I’m really a super person, so give me freedom from gambling, and I’ve got it made. If I delude myself with such specious nonsense, I’ll make so little progress with my real life problems and responsibilities that I’ll likely return to my addiction. That’s why the Program’s Twelfth Step urges us to practice these principles in all our affairs.

Am I living just to be free of the compulsion to gamble, or also to learn, to serve, and to love?

Today I Pray

May I relish and be grateful for my abstinence, which is where all good things begin. But let me not stop at that and give up trying to understand myself, the nature of God and of humanity. Freedom from addiction is the first freedom. May I be certain that there are more to come—freedom from tight-mindedness, from the unrest of bottled-up feelings, from overdependence on others, from a Godless existence. May the Program which answered my acute needs also answer my chronic ones.

Today I Will Remember

Liberation from gambling is just a beginning.

TAGALOG VERSION

Ika-24 ng Hunyo

Pagninilay para sa Araw na ito

Ang pangunahing layunin ng Programa ng Gamblers Anonymous ay kalayaan mula sa adiksyon sa pagsusugal; kung wala ang kalayaang iyon ay walang-wala tayo. Ngunit hindi iyon nangangahulugan na maaari kong sabihin, halimbawa, Ang adiksyon sa pagsusugal ang tanging alalahanin ko. Maliban diyan, isa talaga akong napakagaling na tao, kaya bigyan mo ako ng kalayaan mula sa pagsusugal, at nagtagumpay na ako. Kung nililinlang ko ang aking sarili sa ganoong mababaw na kalokohan, hindi ako masyado uusad sa aking pag-unlad sa aking mga problema at responsibilidad sa totoong buhay na malamang na bumalik ako sa aking adiksyon. Kaya naman hinihimok tayo ng Ikalabindalawang Hakbang ng Programa na isagawa ang mga prinsipyong ito sa lahat ng ating mga gawain.

Nabubuhay ba ako para lang maging malaya sa adiksyon sa sugal, o para din matuto, maglingkod, at magmahal?

Ngayon ipinagdarasal ko…

Nawa’y masiyahan ako at magpasalamat sa aking pag-iwas, kung saan nagsisimula ang lahat ng magagandang bagay. Ngunit huwag akong tumigil doon at sumuko sa pagsisikap na maunawaan ang aking sarili, ang kalikasan ng Diyos at ng sangkatauhan. Ang kalayaan sa adiksyon ay ang unang kalayaan. Nawa’y makatiyak ako na marami pang darating—kalayaan mula sa makitid na pag-iisip, mula sa pagkabalisa ng mga nakatagong damdamin, mula sa labis na pagdepende sa iba, mula sa isang walang Diyos na pamumuhay. Nawa’y ang Programa na tumugon sa aking mga malubha at biglaang pangangailangan ay sagutin din ang aking mga pangmatagalang pangangailangan.

Ngayon tatandaan ko…

Ang paglaya sa pagsusugal ay simula pa lamang.


*** PAUNAWA: Pinapaalam po na ang pagsasalin sa Tagalog ng “Pagninilay sa Araw na Ito” ay hindi aprubado ng GA International Service Office. Ito po ay ginagawa ng BETS OFF HOME GROUP para makatulong sa mga adik na gustong magbago.