JUNE 27 Reflection for the Day

Little by little, I’m getting over my tendency to procrastinate. I always used to put things off till tomorrow, and, of course, they never got done. Instead of Do it now, my motto was Tomorrow’s another day. When I was in action, I had grandiose plans; when I came down from my high, I was too busy getting over my depression to start anything. I’ve learned in the Gamblers Anonymous Program that it’s far better to make a mistake once in a while than to never do anything at all.

Am I learning to do it now?

Today I Pray

May God help me cure my habitual tardiness and get me to the church on time. May I free myself of the self-imposed chaos of lifelong procrastination: library books overdue, appointments half-missed, assignments turned in late, schedules unmet, meals half-cooked. May I be sure if I, as a compulsive gambler, led a disordered life, I, as a recovering compulsive gambler, need order. May God give me the serenity I need to restore order and organization to my daily living.

Today I Will Remember

I will not be put off by my tendency to put off.

TAGALOG VERSION

Ika-27 ng Hunyo

Pagninilay para sa Araw na ito

Unti-unti, nababawasan ko na ang hilig kong magpaliban ng mga gawain. Palagi kong ipinagpapaliban ang mga bagay hanggang bukas, at, siyempre, hindi sila natatapos. Sa halip na Gawin ito ngayon, ang aking motto ay ang Bukas ay isa pang dagdag na araw. Noong ako ay aktibo sa pagsusugal, mayroon akong mga engrandeng plano; nang ako ay bumaba mula sa aking pagiging high, ako ay masyadong abalang malagpasan ang aking depresyon upang simulan ang anumang bagay. Natutunan ko sa Programa ng Gamblers Anonymous na mas mabuting magkamali paminsan-minsan kaysa sa hindi na gumawa ng kahit ano.

Natututo na ba akong gawin ito ngayon?

Ngayon ipinagdarasal ko…

Nawa’y tulungan ako ng Diyos na pagalingin ang aking nakagawiang kabagalan at dalhin ako sa simbahan sa tamang oras. Nawa’y palayain ko ang sarili ko sa gulong pinataw ko sa sarili ko ng panghabambuhay na pagpapaliban: mga aklat sa library na matagal ko nang hindi nababalik, mga appointment na halos hindi ko napupuntahan, mga assignment na huli ko nang napapasa, mga iskedyul na hindi natutugunan, mga pagkaing hindi ko tapos lutuin. Nawa’y makasigurado ako kung ako, bilang isang adik na sugarol, ay namuhay sa isang magulong buhay, ako, bilang isang nagpapagaling na adik sa sugal, ay nangangailangan ng kaayusan. Nawa’y bigyan ako ng Diyos ng kahinahunan na kailangan ko upang maibalik ang kaayusan at organisasyon sa aking pang-araw-araw na pamumuhay.

Ngayon tatandaan ko…

Hindi ako magpapatalo sa hilig kong magpaliban.


*** PAUNAWA: Pinapaalam po na ang pagsasalin sa Tagalog ng “Pagninilay sa Araw na Ito” ay hindi aprubado ng GA International Service Office. Ito po ay ginagawa ng BETS OFF HOME GROUP para makatulong sa mga adik na gustong magbago.