I’ve learned in the Gamblers Anonymous Program that the trick, for me, is not stopping gambling, but staying stopped and learning how not to start again. God knows, I tried to stop plenty of times, by lecturing myself on how it was affecting not only my life, but all aspects of my behavior. Gambling was actually changing who I seemed to be. To stay stopped, I’ve had to develop a positive, ongoing program of action. I’ve had to learn to live free from addiction, cultivating new patterns, new interests, and new attitudes.
Am I remaining flexible in my new life? Am I exercising my freedom to abandon limited objectives?
Today I Pray
I pray that my new life will be filled with new patterns, new friends, new activities, new ways of looking at things. I need God’s help to overhaul my lifestyle to include all the newness it must hold. I also need a few ideas of my own. May my independence from compulsive gambling help me make my choices with an open mind and a clear, appraising eye.
Today I Will Remember
Stopping is starting.
TAGALOG VERSION
Ika-30 ng Hunyo
Pagninilay para sa Araw na ito
Natutunan ko sa Programa ng Gamblers Anonymous na ang pinakamahusay na paraan, para sa akin, ay hindi paghinto sa pagsusugal, ngunit pagpanatiling nakahinto at pag-alam kung paano hindi magsimulang muli. Alam ng Diyos, sinubukan kong huminto nang maraming beses, sa pamamagitan ng pag-sermon sa aking sarili kung paano ito nakakaapekto hindi lamang sa aking buhay, pero pati na rin sa lahat ng aspeto ng aking pag-uugali. Ang pagsusugal ay talagang nagpabago kung sino ako. Upang manatiling nakahinto, kinailangan kong bumuo ng isang positibo at patuloy na programa ng pagkilos. Kinailangan kong matutong mabuhay nang malaya mula sa adiksyon, nagbubuo ng mga bagong gawain, mga bagong interes, at mga bagong pag-uugali.
Nananatili ba akong madaling mahubog sa aking bagong buhay? Ginagamit ko ba ang aking kalayaan na talikuran ang mga limitadong layunin?
Ngayon ipinagdarasal ko…
Ipinagdarasal ko na ang aking bagong buhay ay mapuno ng mga bagong gawain, mga bagong kaibigan, mga bagong aktibidad, mga bagong paraan ng pagtingin sa mga bagay. Kailangan ko ang tulong ng Diyos upang isaayos ang aking paraan ng pamumuhay upang maisama ang lahat ng kabaguhan na dapat hawakan nito. Kailangan ko rin ng ilang mga sarili kong ideya. Nawa ang aking kalayaan mula sa adiksyon sa pagsusugal ay makatulong sa akin na gawin ang aking mga desisyon sa buhay na may bukas na isip at isang malinaw at mapanuring mata.
Ngayon tatandaan ko…
Ang paghinto ay pagsimula.
*** PAUNAWA: Pinapaalam po na ang pagsasalin sa Tagalog ng “Pagninilay sa Araw na Ito” ay hindi aprubado ng GA International Service Office. Ito po ay ginagawa ng BETS OFF HOME GROUP para makatulong sa mga adik na gustong magbago.