Acceptance is a key. Too often I was unable to accept who I was, and therefore it was impossible to accept others. Before coming to Gamblers Anonymous, I hid from the truth because I was afraid of it. Now with the help of my GA brothers and sisters, I can walk through it. Today I actually find comfort in knowing the truth. I’m trying to go in the right direction—and that’s enough for me.
Do I accept who I was, with all my shortcomings, and who I am trying to be?
Today I Pray
God grant me the serenity to accept the things I cannot change—the past with its miseries and restlessness, and the burdens that are left over from my gambling days. May my acceptance of things past be a basis for building a new life—a life I not only accept, but celebrate.
Today I Will Remember
Acceptance is a key to recovery.
TAGALOG VERSION
ka-4 ng Hunyo
Pagninilay para sa Araw na ito
Ang pagtanggap ay isang susi. Kadalasan ay hindi ko matanggap kung sino ako dati, dahil doon naging imposible sa akin na tanggapin ang iba. Bago ako dumating sa Gamblers Anonymous, nagtago ako mula sa katotohanan sapagkat ako ay natatakot dito. Ngayon, sa tulong ng mga kapatid ko sa GA, kaya ko na itong harapin. Ngayon nakakahanap talaga ako ng ginhawa sa pag-alam ng katotohanan. Sinusubukan kong pumunta sa tamang direksyon—at sapat na iyon para sa akin.
Tinatanggap ko ba kung sino ako dati, kasama ng lahat ng pagkukulang ko, at kung sino ang sinusubukan kong maging?
Ngayon ipinagdarasal ko
Diyos bigyan niyo ako ng kahinahunan para matanggap ang mga bagay na hindi ko na kayang baguhin—ang nakaraan kasama ang mga pagdurusa at pagkabagabag, at ang mga pasaning iniwan ng aking pagsusugal dati. Nawa’y ang pagtanggap ko ng mga nangyari dati ay maging batayan para magtayo ng bagong buhay—isang buhay na hindi ko lamang tinatanggap, kundi ipinagdiriwang.
Ngayon tatandaan ko
Ang pagtanggap ay isang susi sa paggaling.
*** PAUNAWA: Pinapaalam po na ang pagsasalin sa Tagalog ng “Pagninilay sa Araw na Ito” ay hindi aprubado ng GA International Service Office. Ito po ay ginagawa ng BETS OFF HOME GROUP para makatulong sa mga adik na gustong magbago.