Since I came to Gamblers Anonymous, I’ve begun to recognize my previous inability to form a true partnership with another person. It seems that my egomania created two disastrous pitfalls. Either I insisted upon dominating the people I knew, or I depended on them far too much. My friends in the Program have taught me that my dependence meant demand—a demand for the possession and control of the people and the conditions surrounding me.
Do I still try to find emotional security either by dominating or being dependent on others?
Today I Pray
May I turn first to God to satisfy my love hunger, knowing that all God asks from me is my faith. May I no longer cast emotional nets over those I love, either by dominating them or being excessively dependent upon them—which is just another form of domination. May I give others the room they need to be themselves. May God show me the way to mature human relationships.
Today I Will Remember
To have faith in God’s love.
TAGALOG VERSION
Ika-11 ng Marso
Pagninilay para sa Araw na ito
Simula nang dumating ako sa Gamblers Anonymous, sinimulan kong kilalanin ang dati kong kawalan ng kakayahan na bumuo ng isang tunay na pakikisama sa ibang tao. Tila ang aking sobrang pagiging makasarili ay lumikha ng dalawang mapaminsalang patibong. Pinilit kong dominahin ang mga taong kilala ko, o kaya masyado akong dumedepende sa kanila. Itinuro sa akin ng aking mga kaibigan sa Programa na ang aking pagdepende ay nangangahulugan ng paghingi—isang utos para sa pagmamay-ari at kontrol ng mga tao at sa mga kondisyong nakapaligid sa akin.
Sinusubukan ko pa bang humanap ng emosyonal na seguridad sa pamamagitan ng pagdomina o pagdepende sa iba?
Ngayon ipinagdarasal ko…
Nawa’y dumulog muna ako sa Diyos upang tuparin ang aking gutom sa pag-ibig, batid na ang tanging hinihiling ng Diyos sa akin ay ang aking pananampalataya. Nawa’y hindi na ako maglagay ng emosyonal na mga lambat sa mga mahal ko, sa pamamagitan man ng pagdodomina sa kanila o labis na pagdepende sa kanila—na isa pang anyo ng dominasyon. Nawa’y bigyan ko ang iba ng espasyo na kailangan nila para maging sila. Nawa’y ipakita sa akin ng Diyos ang paraan para magkaroon ng mga ganap na relasyon sa ibang tao.
Ngayon tatandaan ko…
Magkaroon ng pananampalataya sa pag-ibig ng Diyos.
*** PAUNAWA: Pinapaalam po na ang pagsasalin sa Tagalog ng “Pagninilay sa Araw na Ito” ay hindi aprubado ng GA International Service Office. Ito po ay ginagawa ng BETS OFF HOME GROUP para makatulong sa mga adik na gustong magbago.