As the doubter tries the process of prayer, he would do well to add up the results. If he persists, he’ll almost surely find more serenity, more tolerance, less fear, and less anger. He’ll acquire a quiet courage—the kind that isn’t tension-ridden. He’ll be able to look at failure and success for what they really are. Problems and calamity will begin to mean his instruction, instead of his destruction. He’ll feel freer and saner.
Have wonderful and unaccountable things begun to happen to me in my new life?
Today I Pray
Through prayer, communion with a Higher Power, may I begin to see my life sort itself out. May I become less tense, more sane, more open, more courageous, more loving, less tangled in problems, less afraid of losing, less afraid of living. May I know that God, too, wants these things for me. May God’s will be done.
Today I Will Remember
Be still and know that He is God.
TAGALOG VERSION
Ika-10 ng Mayo
Pagninilay para sa Araw na ito
Habang sinusubukan ng nagdududa ang proseso ng panalangin, makabubuting pagsama-samahin niya ang mga resulta. Kung magpapatuloy siya, halos tiyak na makakahanap siya ng higit na kahinahunan, higit na pagpaparaya, mas kaunting takot, at mas kaunting galit. Magkakaroon siya ng tahimik na lakas ng loob—ang uri na hindi nababalot ng tensyon. Magagawa niyang tingnan ang kabiguan at tagumpay ayon sa kung ano talaga sila. Ang mga problema at kalamidad ay magsisimulang mangahulugan ng kanyang pagtuturo, sa halip na ang kanyang pagkawasak. Magiging mas malaya at matino siya.
Nagsimula na bang mangyari sa akin ang mga kahanga-hanga at hindi maipaliwanag na mga bagay sa aking bagong buhay?
Ngayon ipinagdarasal ko…
Sa pamamagitan ng panalangin, pakikipag-isa sa isang Higher Power, nawa’y simulan kong makitang umayos ang aking buhay. Nawa ako’y maging mas mababa ang tensyon, mas matino, mas bukas, mas matapang, mas mapagmahal, hindi gaanong baon sa mga problema, hindi gaanong takot mawalan, hindi gaanong takot mabuhay. Nawa’y malaman ko na gusto rin ng Diyos ang mga bagay na ito para sa akin. Nawa’y mangyari ang kalooban ng Diyos.
Ngayon tatandaan ko…
Huwag mag-ingay o huwag gumalaw at alamin na Siya ay Diyos.
*** PAUNAWA: Pinapaalam po na ang pagsasalin sa Tagalog ng “Pagninilay sa Araw na Ito” ay hindi aprubado ng GA International Service Office. Ito po ay ginagawa ng BETS OFF HOME GROUP para makatulong sa mga adik na gustong magbago.