MAY 11 Reflection for the Day

Now that I know I can no longer use false courage that is really bravado, I seek and pray for twenty-four-hour courage to change the things I can. Obviously, this isn’t the kind of courage that will make me a strong and brave person for life, able to handle any and all situations courageously. Rather, what I need is a persistent and intelligent courage, continuing each day into the next one—but doing today only what can be done today and avoiding all fear and worry with regard to the final result.

What does courage mean to me today?

Today I Pray

May I tackle only those things I have a chance of changing. And change must start with me, a day at a time. May I know that acceptance often is a form of courage. I pray not for super-bravery, but just for persistence to meet what life brings to me without being overcome by it.

Today I Will Remember

Courage is meeting a day at a time.

TAGALOG VERSION

Ika-11 ng Mayo

Pagninilay para sa Araw na ito

Ngayong alam kong hindi ko na magagamit ang pekeng lakas ng loob na talagang tapang-tapangan lamang, naghahangad ako at nagdarasal para sa dalawampu’t apat na oras na lakas ng loob na baguhin ang mga bagay na kaya ko. Malinaw naman, hindi ito ang uri ng lakas ng loob na gagawin akong isang malakas at matapang na tao habang buhay, na kayang harapin ang anuman at lahat ng sitwasyon nang buong tapang. Sa halip, ang kailangan ko ay isang matiyaga at matalinong lakas ng loob, na nagpapatuloy sa bawat araw hanggang sa susunod—ngunit ginagawa lamang ngayon ang magagawa ngayon at iniiwasan ang lahat ng takot at pag-aalala tungkol sa huling resulta.

Ano ang ibig sabihin ng lakas ng loob sa akin ngayon?

Ngayon ipinagdarasal ko…

Nawa’y harapin ko lamang ang mga bagay na mayroon akong pagkakataong baguhin. At ang pagbabago ay dapat magsimula sa akin, paisa-isang araw. Nawa’y malaman ko na ang pagtanggap ay madalas na isang uri ng katapangan. Hindi ako nagdadasal para sa sobra-sobrang katapangan, ngunit para lamang sa pagpupursige na harapin kung ano ang dulot ng buhay sa akin nang hindi nadadaig nito.

Ngayon tatandaan ko…

Ang lakas ng loob ay pagharap sa bawat araw.


*** PAUNAWA: Pinapaalam po na ang pagsasalin sa Tagalog ng “Pagninilay sa Araw na Ito” ay hindi aprubado ng GA International Service Office. Ito po ay ginagawa ng BETS OFF HOME GROUP para makatulong sa mga adik na gustong magbago.