Getting over years of suspicion and other self-protective mechanisms can hardly be an overnight process. We’ve become thoroughly conditioned to feeling and acting misunderstood and unloved—whether we really were or not. Some of us may need time and practice to break out of our shell and the seemingly comfortable familiarity of solitude. Even though we begin to believe and know we’re no longer alone, we tend to sometimes feel and act in the old ways.
Am I taking it easy? Am I learning to wear the Gamblers Anonymous Program and life like a loose garment?
Today I Pray
May I expect no sudden, total reversal of all my old traits. My abstinence from gambling is just a beginning. May I realize that the symptoms of my compulsion will wear off gradually. If I slip back, now and then, into my old self-pity bag or my grandiosity, may I not be discouraged, but grateful. At last, I can face myself honestly and not let my delusions get the best of me.
Today I Will Remember
Easy does it.
TAGALOG VERSION
Ika-24 ng Mayo
Pagninilay para sa Araw na ito
Ang gumaling mula sa maraming taon ng paghihinala at iba pang mga mekanismong nagpoprotekta sa sarili ay hindi maaaring maging isang mabilisang proseso. Lubusan tayong nakondisyon sa pakiramdam at pagkilos na hindi tayo nauunawaan at hindi minamahal—kahit totoo man ito o hindi. Ang ilan sa atin ay maaaring mangailangan ng oras at pagsasanay upang makalabas sa ating sariling mundo at ang tila komportableng pagkakakilala sa pag-iisa. Bagama’t nagsisimula tayong maniwala at malaman nating hindi na tayo nag-iisa, kadalasan ay nararamdaman pa rin natin at kumikilos sa dating paraan.
Nag-iingat ba ako at hindi nagmamadali? Natututo ba akong suotin ang Programa ng Gamblers Anonymous at ang buhay tulad ng isang maluwag na damit?
Ngayon ipinagdarasal ko…
Nawa’y asahan ko na walang biglaang, kabuuang pagbaliktad ng lahat ng aking dating katangian. Ang aking pag-iwas sa pagsusugal ay isang simula pa lamang. Nawa’y mapagtanto ko na ang mga sintomas ng aking adiksyon ay unti-unting mawawala. Kung ako ay dumudulas, paminsan-minsan, sa aking lumang pagka-awa sa sarili o sa aking pagiging engrande, nawa’y hindi ako panghinaan ng loob, ngunit magpasalamat. Sa wakas, maaari kong harapin ang aking sarili nang tapat at hindi hayaan ang aking mga maling akala na lamunin ako.
Ngayon tatandaan ko…
Maging maingat at huwag magmadali.
*** PAUNAWA: Pinapaalam po na ang pagsasalin sa Tagalog ng “Pagninilay sa Araw na Ito” ay hindi aprubado ng GA International Service Office. Ito po ay ginagawa ng BETS OFF HOME GROUP para makatulong sa mga adik na gustong magbago.