When I have only myself to talk to, the conversation gets sort of one-sided. Trying to talk myself out of a small wager or just one hand is like trying self-hypnosis. It simply doesn’t work; most of the time, it’s about as effective as trying to talk myself out of a case of flu. When my heart is heavy and my resistance low, I can always find some comfort in sharing with a true and understanding friend in the Gamblers Anonymous Program.
Do I know who my friends are?
Today I Pray
May I be convinced that, as part of God’s master plan, we were put here to help each other. May I be as open about asking for help as I am ready to give it, no matter how long I have been in the Program. May the experiences of countless others be enough to prove to me that talking myself out of it seldom works, that the mutual bolstering that comes from sharing with a friend usually does.
Today I Will Remember
When I ask for help, I am helping.
TAGALOG VERSION
Ika-27 ng Mayo
Pagninilay para sa Araw na ito
Kapag sarili ko lamang ang aking kinakausap, ang pag-uusap ay parang hindi patas o may kinakampihan. Ang subukan na kausapin ko ang aking sarili na iwasan ang isang maliit na pusta o na huwag humawak ng baraha ay tulad ng pagsubok ng hipnosis sa sarili. Hindi ito basta gumagana; kadalasan, ito ay halos kasing epektibo gaya kapag sinubukan ko na kausapin ang aking sarili na basta na lamang gumaling sa trangkaso. Kapag mabigat ang aking puso at wala akong lakas, palagi akong makakahanap ng ginhawa kapag nagbahagi ako sa isang tunay at maunawain na kaibigan sa Programa ng Gamblers Anonymous.
Kilala ko ba kung sino ang mga kaibigan ko?
Ngayon ipinagdarasal ko…
Nawa’y maging kumbinsido ako na, bilang bahagi ng dakilang plano ng Diyos, inilagay tayo dito upang matulungan ang bawat isa. Nawa’y maging bukas ako sa paghingi ng tulong tulad ng pagiging handa ko sa pagbigay nito, gaano man ako katagal sa Programa. Nawa ang mga karanasan ng hindi mabilang na iba ay sapat na upang patunayan sa akin na ang pakikipag-usap ko sa aking sarili upang umiwas sa sugal ay bihirang gumagana, na ang pagpapalakas sa isa’t isa na nagmumula sa pagbabahagi sa isang kaibigan ang karaniwang gumagana.
Ngayon tatandaan ko…
Kapag humihingi ako ng tulong, tumutulong ako.
*** PAUNAWA: Pinapaalam po na ang pagsasalin sa Tagalog ng “Pagninilay sa Araw na Ito” ay hindi aprubado ng GA International Service Office. Ito po ay ginagawa ng BETS OFF HOME GROUP para makatulong sa mga adik na gustong magbago.