MAY 28 Reflection for the Day

We’ve all had times when we felt alienated, when it seemed we had nowhere to turn and no one to turn to. When we don’t know which way to turn, when there seems to be no one to help us, even then we’re not alone or without help; the presence of God is always with us. When we need strength or courage or comfort, God is there with us as the help we need. Even before we turn to God, His love reaches out to us; His loving Spirit in us hears our cry and answers us.

Do I truly believe that I no longer need to be alone?

Today I Pray

May I never be alone, even in a place by myself, if I take time to talk to my Higher Power. May God be my companion, my joy, my ever-present help in trouble. May the knowledge of that constant presence fill me with calm, so that I will not fear either the solitude of my own room or alienation in a roomful of people.

Today I Will Remember

Listen for the presence of God.

TAGALOG VERSION

Ika-28 ng Mayo

Pagninilay para sa Araw na ito

Nagkaroon na tayong lahat ng mga oras kung kailan nakaramdam tayo ng pagkahiwalay, na tila wala tayong mapupuntahan at walang mahihingan ng tulong. Kapag hindi natin alam kung saan liliko, kapag tila walang sinumang makakatulong sa atin, kahit sa mga oras na ito ay hindi tayo nag-iisa o walang tulong; ang presensya ng Diyos ay laging kasama natin. Kapag kailangan natin ng lakas o tapang o ginhawa, nandiyan ang Diyos kasama natin bilang tulong na kailangan natin. Bago pa man tayo lumingon sa Diyos, ang Kanyang pag-ibig ay iniaabot niya sa atin; Ang Kanyang mapagmahal na Espiritu sa loob natin ay naririnig ang ating daing at sinasagot tayo.

Totoong naniniwala ba ako na hindi ko na kailangang mag-isa?

Ngayon ipinagdarasal ko…

Nawa’y huwag akong mag-isa, kahit sa isang lugar na ako lang ang naroroon, kung maglalaan ako ng oras upang kausapin ang aking Higher Power. Nawa ang Diyos ay maging aking kasama, aking kagalakan, ang laging nandiyan na tumutulong sakin sa kaguluhan. Nawa ang kaalaman ng palagiang presensyang ito ay punan ako ng katahimikan, upang hindi ako matakot sa pag-iisa ko sa aking sariling kuwarto o sa pagkahiwalay ko sa isang silid na puno ng tao.

Ngayon tatandaan ko…

Makinig nang mabuti sa presensya ng Diyos.


*** PAUNAWA: Pinapaalam po na ang pagsasalin sa Tagalog ng “Pagninilay sa Araw na Ito” ay hindi aprubado ng GA International Service Office. Ito po ay ginagawa ng BETS OFF HOME GROUP para makatulong sa mga adik na gustong magbago.