When we first reached Gamblers Anonymous and for the first time in our lives stood among people who seemed to understand, the sense of belonging was exhilarating. We felt that the problem of isolation had been solved. We soon discovered however, that while we weren’t alone anymore in a social sense, we still suffered many of the old pangs of anxious apartness. Until we had talked with complete candor of our conflicts and had listened to someone else do the same thing, we still didn’t belong. Step Five was the answer.
Have I found through my Fifth Step the beginning of true kinship with my fellows and God?
Today I Pray
May God help me learn to share myself, my attributes and my failings, not just as I take the Fifth Step but in a continuing give-and-take process with my friends. May I cultivate an attitude of openness and honesty with others, now that I have begun to be honest with myself. May I remember who I used to be—the child in a game of hide-and-seek, who hid so well that nobody could find her or him and everyone gave up trying and went home.
Today I Will Remember
I will be open to friendship.
–
TAGALOG VERSION
Ika-29 ng Mayo
Pagninilay para sa Araw na ito
Nang una tayong makarating sa Gamblers Anonymous at sa kauna-unahang pagkakataon sa ating buhay ay napapalibutan tayo ng mga tao na tila nakakaintindi, ang pakiramdam ng pagiging kabilang ay nakalulugod. Nadama natin na ang problema ng pagkakahiwalay ay nalutas. Subalit, sa madaling panahon ay natuklasan natin na habang hindi na nga tayo nag-iisa sa isang banda, pinagdusahan pa rin natin ang napakaraming mga matatandang kirot ng balisang pag-iisa. Hanggang hindi tayo nakipag-usap nang may kumpletong katapatan sa pagsasalita tungkol sa ating mga laban at hanggang hindi tayo nakinig sa ibang tao na prangkang magsalita, hindi pa rin tayo kabilang. Ang Ikalimang Hakbang ang sagot.
Natagpuan ko ba sa pamamagitan ng aking Ikalimang Hakbang ang simula ng tunay na pakikipag-ugnayan sa aking mga kapwa at Diyos?
Ngayon ipinagdarasal ko…
Nawa’y tulungan ako ng Diyos na matutunan ko na ibahagi ang aking sarili, ang aking mga katangian at ang aking mga pagkabigo, hindi lamang kapag ginagawa ko ang Ikalimang Hakbang ngunit sa isang patuloy na proseso ng pagbibigay-at-pagtanggap sa aking mga kaibigan. Nawa’y payamanin ko ang isang saloobin ng pagiging bukas at tapat sa iba, ngayong nagsimula akong maging tapat sa aking sarili. Nawa’y matandaan ko kung sino ako dati—ang bata sa isang laro ng tagu-taguan, na nagtago nang maayos na walang sinuman ang makakita sa kanya at lahat ay sumuko sa paghahanap at umuwi na lamang.
Ngayon tatandaan ko…
Magiging bukas ako sa pagkakaibigan.
*** PAUNAWA: Pinapaalam po na ang pagsasalin sa Tagalog ng “Pagninilay sa Araw na Ito” ay hindi aprubado ng GA International Service Office. Ito po ay ginagawa ng BETS OFF HOME GROUP para makatulong sa mga adik na gustong magbago.