So many of us suffer from despair. Yet we don’t realize that despair is purely the absence of faith. As long as we’re willing to turn to God for help in our difficulties, we cannot despair. When we’re troubled and can’t see a way out, it’s only because we imagine that all solutions depend on us. The Gamblers Anonymous Program teaches us to let go of overwhelming problems and let God handle them for us.
When I consciously surrender my will to God’s will, do I see faith at work in my life?
Today I Pray
May I, as a recovering person, be free of despair and depression, those two down D’s that are the result of feelings of helplessness. May I know that I am never without the help of God, that I am never helpless when God is with me. If I have faith, I need never be helpless and hopeless.
Today I Will Remember
Despair is the absence of faith.
TAGALOG VERSION
Ika-6 ng Mayo
Pagninilay para sa Araw na ito
Marami sa atin ang nagdurusa dahil sa kawalan ng pag-asa. Gayunpaman hindi natin naiintindihan na ang kawalan ng pag-asa ay kawalan ng pananampalataya lamang. Hangga’t payag tayong humingi ng tulong sa Diyos sa ating mga paghihirap, hindi tayo maaaring mawalan ng pag-asa. Kapag naguguluhan tayo at hindi makakita ng solusyon sa mga problema, ito lamang ay dahil iniisip natin na ang lahat ng mga solusyon ay nakasalalay sa atin. Ang Programa ng Gamblers Anonymous ay nagtuturo sa atin na bitawan ang napakaraming mga problema at hayaan ang Diyos na humawak ng mga ito para sa atin.
Kapag sinasadya kong isuko ang aking kalooban sa kalooban ng Diyos, nakikita ko bang gumagana ang pananampalataya sa aking buhay?
Ngayon ipinagdarasal ko…
Bilang isang nagpapagaling na tao, nawa’y maging malaya ako sa kawalan ng pag-asa at pagkalungkot, ang dalawang bagay na ito na bunga ng pakiramdam ko na wala akong magawa. Nawa’y malaman ko na hindi ako kailanman walang tulong ng Diyos, na hindi ako walang magawa kapag ang Diyos ay kasama ko. Kung mayroon akong pananampalataya, hindi ko kailanman kailangang maging walang magawa at walang pag-asa.
Ngayon tatandaan ko…
Ang kawalan ng pag-asa ay ang kawalan ng pananampalataya.
*** PAUNAWA: Pinapaalam po na ang pagsasalin sa Tagalog ng “Pagninilay sa Araw na Ito” ay hindi aprubado ng GA International Service Office. Ito po ay ginagawa ng BETS OFF HOME GROUP para makatulong sa mga adik na gustong magbago.