MAY 7 Reflection for the Day

If I believe that it’s hopeless to expect any improvement in my life, I’m doubting the power of God. If I believe I have reason for despair, I’m confessing personal failure, for I do have the power to change myself; nothing can prevent it but my own unwillingness. I can learn in the Gamblers Anonymous Program to avail myself of the immense, inexhaustible power of God—if I’m willing to be continually aware of God’s nearness.

Do I still imagine that my satisfaction with life depends on what someone else will do?

Today I Pray

May I give over my life to the will of God, not to the whims and insensitivities of others. When I counted solely on what other people did and thought and felt for my own happiness, I became nothing more than a cheap mirror reflecting others’ lives. May I remain close to God in all things. I value myself because God values me. May I be dependent only upon my Higher Power.

Today I Will Remember

Stay close to God.

TAGALOG VERSION

Ika-7 ng Mayo

Pagninilay para sa Araw na ito

Kung naniniwala akong walang pag-asa na maghintay ng anumang pag-unlad sa aking buhay, nagdududa ako sa kapangyarihan ng Diyos. Kung naniniwala akong may dahilan ako na mawalan ng pag-asa, inaamin ko ang pansariling pagkabigo, sapagkat may kapangyarihan akong baguhin ang aking sarili; walang makakapigil dito kundi ang sarili kong hindi pagpayag. Maaari kong matutunan sa Programa ng Gamblers Anonymous na samantalahin ang napakalawak at hindi maubos na kapangyarihan ng Diyos—kung payag akong patuloy na magkaroon ng kamalayan sa pagiging malapit ng Diyos.

Iniisip ko pa ba na ang aking kasiyahan sa buhay ay nakasalalay sa gagawin ng iba?

Ngayon ipinagdarasal ko…

Nawa’y ibigay ko ang aking buhay sa kalooban ng Diyos, hindi sa mga kapritso at kawalan ng malasakit sa damdamin ng iba. Noong umasa lamang ako sa ibang tao sa kung ano ang ginawa at naisip at nadama nila para sa aking sariling kaligayahan, ako ay naging isang murang salamin na sumasalamin lamang sa buhay ng iba. Nawa’y manatiling malapit ako sa Diyos sa lahat ng bagay. Pinahahalagahan ko ang aking sarili dahil pinahahalagahan ako ng Diyos. Nawa’y magdepende lamang ako sa aking Higher Power.

Ngayon tatandaan ko…

Manatiling malapit sa Diyos.


*** PAUNAWA: Pinapaalam po na ang pagsasalin sa Tagalog ng “Pagninilay sa Araw na Ito” ay hindi aprubado ng GA International Service Office. Ito po ay ginagawa ng BETS OFF HOME GROUP para makatulong sa mga adik na gustong magbago.