OCTOBER 11 Reflection for the Day

When I say the Serenity Prayer, sometimes over and over, I occasionally lose sight of the prayer’s meaning even as I repeat its words. So I try to think of the meaning of each phrase as I say it, whether aloud or silently. As I concentrate on the meaning, my understanding grows, along with my capability to realize the difference between what I can change, and what I cannot.

Do I see that most improvements in my life will come from changing my own attitudes and behavior?

Today I Pray

May my Higher Power show me new and deeper meanings in the Serenity Prayer each time I say it. As I apply it to my life’s situations and relationships, may its truth be underlined for me again and again. May I realize that serenity, courage, and wisdom are all that I need to cope with living, but that none of these three have value unless they grow out of my trust in a Higher Power.

Today I Will Remember

God’s formula for living: serenity, courage, and wisdom.


TAGALOG VERSION

Ika-11 ng Oktubre

Pagninilay para sa Araw na ito

Kapag sinasabi ko ang Panalangin para sa Kahinahunan, kadalasan paulit-ulit, paminsan-minsan ay hindi ko nakikita ang kahulugan ng panalangin kahit na inuulit ko ang mga salita nito. Kaya’t sinusubukan kong isipin ang kahulugan ng bawat pangungusap habang sinasabi ko ito, nang malakas man o tahimik. Habang nakatuon ako sa kahulugan, lumalaki ang aking pag-unawa, kasama ang aking kakayahang mapagtanto ang pagkakaiba sa pagitan ng maaari kong baguhin, at kung ano ang hindi ko kayang baguhin.

Nakikita ko ba na ang karamihan sa mga pagpapabuti sa aking buhay ay nagmumula sa pagbabago ng aking sariling pag-uugali at pagkilos?

Ngayon ipinagdarasal ko…

Nawa’y ipakita sa akin ng aking Higher Power ang bago at mas malalim na mga kahulugan sa Panalangin para sa Kahinahunan tuwing sinasabi ko ito. Habang ginagamit ko ito sa mga sitwasyon at relasyon sa buhay ko, nawa ang katotohanan nito ay mabigyang-diin para sa akin nang paulit-ulit. Nawa’y mapagtanto ko na ang kahinahunan, katapangan, at karunungan ang lahat ng kailangan ko upang makayanang mabuhay, ngunit wala sa tatlong ito ang may halaga maliban na lamang kung lumago sila sa aking tiwala sa Higher Power.

Ngayon tatandaan ko…

Ang reseta ng Diyos sa buhay: kahinahunan, katapangan, at karunungan.


*** PAUNAWA: Pinapaalam po na ang pagsasalin sa Tagalog ng “Pagninilay sa Araw na Ito” ay hindi aprubado ng GA International Service Office. Ito po ay ginagawa ng BETS OFF HOME GROUP para makatulong sa mga adik na gustong magbago.