My progress in recovery depends in large measure on my attitude, and my attitude is up to me. It’s the way I decide to look at things. Nobody can force an attitude on me. For me, a good attitude is a point of view unclouded by self-pity and resentments. There will be stumbling blocks in my path, without a doubt. But the Gamblers Anonymous Program has taught me that stumbling blocks can be turned into stepping stones for growth.
Do I believe, as Tennyson, put it, that men may rise on stepping stones of their dead selves to higher things?
Today I Pray
May God help me cultivate a healthy attitude toward myself, the Gamblers Anonymous Program, and other people. God, keep me from losing my spiritual stabilizers, which keep me level in purpose and outlook. Let me ignore self-pity, discouragement, and my tendency to overdramatize. Let no dead-weight burden throw me out of balance.
Today I Will Remember
With God on my side, I need not be discouraged.
TAGALOG VERSION
Ika-13 ng Oktubre
Pagninilay para sa Araw na ito
Ang aking pag-unlad sa paggaling ay nakasalalay nang malaki sa aking pag-uugali, at ako ang bahala sa aking pag-uugali. Ito ang paraan kong magdesisyon kung paano tingnan ang mga bagay. Walang makapipilit ng pag-uugali sa akin. Para sa akin, ang isang mabuting pag-uugali ay isang pananaw na hindi pinapalabo ng pagkaawa sa sarili at mga sama ng loob. Mayroong mga hadlang sa aking landas, nang walang pag-aalinlangan. Ngunit itinuro sa akin ng Programa ng Gamblers Anonymous na ang mga hadlang ay maaaring gawing mga tuntungan upang umunlad.
Naniniwala ba ako, tulad ng pagkakasabi ni Tennyson, na ang mga tao ay maaaring umangat sa pagtapak sa tuntungan ng kanilang mga patay na sarili papunta sa mas matataas na mga bagay?
Ngayon ipinagdarasal ko…
Nawa’y tulungan ako ng Diyos na magbungkal ng isang malusog na pag-uugali sa sarili ko, sa Programa ng Gamblers Anonymous, at sa iba pang mga tao. Diyos, alagaan mo ako na hindi ko mawala ang aking mga espirituwal na bagay na nagpapatatag sa akin, na nagpapanatili sa aking maayos sa layunin at pananaw. Hayaan mo akong balewalain ang pagkaawa ko sa sarili, ang panghihina ng boob, at ang ugali kong labis na magdrama. Nawa’y huwag akong tanggalin sa pagiging balanse ng kahit anong napakabigat na pasanin.
Ngayon tatandaan ko…
Kasama ang Diyos sa tabi ko, hindi ako dapat panghinaan ng loob.
*** PAUNAWA: Pinapaalam po na ang pagsasalin sa Tagalog ng “Pagninilay sa Araw na Ito” ay hindi aprubado ng GA International Service Office. Ito po ay ginagawa ng BETS OFF HOME GROUP para makatulong sa mga adik na gustong magbago.