Not in my wildest dreams could I have imagined the rewards that would be mine when I first contemplated turning my life and will over to the care of God as I understood Him. Now I can rejoice in the blessing of my own recovery, as well as the recoveries of countless others who have found hope and a new way of life in the Gamblers Anonymous Program. After all the years of waste and terror, I realize today that God has always been on my side and at my side.
Isn’t my clearer understanding of God’s will one of the best things that has happened to me?
Today I Pray
May I be thankful for the blessed contrast between the way my life used to be (Part I) and the way it is now (Part II). In Part I, I was the practicing gambler, with an insatiable hunger to be in action, adrift among my fears and delusions. In Part II, I am the recovering compulsive gambler, rediscovering my emotions, accepting my responsibilities, learning what the real world has to offer. Without the contrast, I could never feel the joy I know today or sense the peaceful nearness of my Higher Power.
Today I Will Remember
I am grateful for such a contrast.
TAGALOG VERSION
Ika-18 ng Oktubre
Pagninilay para sa Araw na ito
Hindi ko lubos maisip kahit sa pinakakakaibang panaginip ko ang mga gantimpala na magiging akin noong una kong naisip na ibaling ang aking buhay at kalooban sa pangangalaga ng Diyos ayon sa pagkakaintindi ko sa Kanya. Ngayon ay maaari akong magalak sa pagpapala ng aking sariling paggaling, pati na rin ang paggaling ng iba pang nakakita ng pag-asa at isang bagong paraan ng pamumuhay sa Programa ng Gamblers Anonymous. Matapos ang lahat ng taon ng pag-aaksaya at takot, napagtanto ko ngayon na ang Diyos ay palaging kakampi ko at nasa tabi ko.
Hindi ba ang aking mas malinaw na pag-unawa sa kalooban ng Diyos ang isa sa mga pinakamabuting bagay na nangyari sa akin?
Ngayon ipinagdarasal ko…
Nawa’y magpasalamat ako para sa mapalad na kaibahan sa pagitan ng dating buhay ko (Unang Yugto) at ng buhay ko ngayon (Ikalawang Yugto). Sa Unang Yugto, ako ang tuloy-tuloy na sugarol, na walang katapusan ang gutom na kumilos, lumulutang sa aking mga kinakatakutan at maling akala. Sa Ikalawang Yugto, ako ang nagpapagaling na adik sa sugal, muling nadidiskubre ang aking mga damdamin, tinatanggap ang aking mga responsibilidad, natututunan kung ano ang inaalok ng totoong mundo. Kung walang kaibahan, hindi ko sana naramdaman ang kagalakang nalalaman ko ngayon o ang mapayapang pagiging malapit ng aking Higher Power.
Ngayon tatandaan ko…
Nagpapasalamat ako sa ganoong kaibahan.
*** PAUNAWA: Pinapaalam po na ang pagsasalin sa Tagalog ng “Pagninilay sa Araw na Ito” ay hindi aprubado ng GA International Service Office. Ito po ay ginagawa ng BETS OFF HOME GROUP para makatulong sa mga adik na gustong magbago.