OCTOBER 20 Reflection for the Day

Before I admitted my powerlessness over gambling, I had as much self-worth as a peeled zero. I came into Gamblers Anonymous as a nobody who desperately wanted to be a somebody. In retrospect, my self-esteem was shredded, seemingly beyond repair. Gradually, the Program has enabled me to achieve an ever stronger sense of self-worth. I’ve come to accept myself, realizing that I’m not as bad as I had always supposed myself to be.

Am I learning that my self-worth is not dependent on the approval of others, but instead is truly an inside job?

Today I Pray

When I am feeling down and worthless, may my Higher Power and my friends in the group help me see that, although I was fallen, I was not cast down. However sick I might have been in my gambling days, with all the self-esteem of an earthworm, may I know that I still had the power of choice. And I chose to do something about myself. May that good choice be the basis for my reactivated self-worth.

Today I Will Remember

I will not kick myself when I’m down.

TAGALOG VERSION

Ika-20 ng Oktubre

Pagninilay para sa Araw na ito

Bago ko inamin ang aking kawalan ng lakas sa pagsusugal, mayroon ako noong pagpapahalaga sa aking sarili katumbas ng binalatang bokya. Napunta ako sa Gamblers Anonymous bilang isang walang saysay na tao na desperadong nagnais na maging isang taong may halaga. Kung iisipin, ang aking kumpiyansa sa sarili noon ay nasira, na tila hindi maaayos. Unti-unti, pinapayagan ako ng Programa na makamit ang isang mas malakas na pakiramdam ng pagpapahalaga sa sarili. Natanggap ko ang aking sarili, napagtanto na hindi ako masama tulad ng dati kong inaasahan sa sarili ko.

Natututunan ko ba na ang aking halaga sa sarili ay hindi nakasatalay sa pag-apruba ng iba, ngunit sa halip ay tunay na isang panloob na trabaho?

Ngayon ipinagdarasal ko…

Kapag nakakaramdam ako ng lungkot at walang halaga, nawa’y tulungan ako ng aking Higher Power at ng aking mga kaibigan sa grupo na makita na, kahit na nahulog ako dati, hindi ako nasiraan ng loob. Kahit pa gaano kalala ang sakit ko noong mga araw ng aking pagsusugal, kasama ang lahat ng pagpapahalaga sa sarili ng isang bulating-lupa, nawa’y malaman ko na mayroon pa rin akong kapangyarihang pumili. At pinili kong gumawa ng isang bagay tungkol sa aking sarili. Nawa ang mabuting pagpili na iyon ay maging batayan para sa aking binuhay na muling pagpapahalaga sa sarili.

Ngayon tatandaan ko…

Hindi ko sisipain ang sarili ko kapag nasa baba ako.


*** PAUNAWA: Pinapaalam po na ang pagsasalin sa Tagalog ng “Pagninilay sa Araw na Ito” ay hindi aprubado ng GA International Service Office. Ito po ay ginagawa ng BETS OFF HOME GROUP para makatulong sa mga adik na gustong magbago.