Virtually all of us suffered the defect of pride when we sought help through the Program, the Twelve Steps, and the Fellowship of recovering compulsive gamblers who truly understood what we felt and where we had been. We learned about our shortcomings—and of pride in particular—and began to replace self-satisfaction with gratitude for the miracle of our recovery, gratitude for the privilege of working with others, and gratitude for God’s gift, which enabled us to turn catastrophe into growth and good fortune.
Have I begun to realize that pride is to character as the attic is to the house—the highest part, and generally the most empty?
Today I Pray
God, please tell me if I am banging my shins on my own pride. Luckily for me, the Gamblers Anonymous Program has its own built-in check for flaws like this—the clear-eyed vision of the group, which sees in me what I sometimes cannot see myself. May I know that any kind of success has always gone straight to my head, and be watching for it as I begin to reconstruct my confidence.
Today I Will Remember
Smug success can become a setback.
TAGALOG VERSION
Ika-29 ng Oktubre
Pagninilay para sa Araw na ito
Halos lahat tayo ay dumanas ng depekto ng pagmamataas nang humingi tayo ng tulong sa pamamagitan ng Programa, ng Labindalawang Hakbang, at ng Fellowship ng mga nagpapagaling na adik sa sugal na tunay na nakauunawa sa ating naramdaman at kung saan tayo nanggaling. Nalaman natin ang tungkol sa ating mga pagkukulang—at partikular na ang pagmamataas—at sinimulang palitan ang pansariling kasiyahan ng pasasalamat sa himala ng ating paggaling, pasasalamat sa pribilehiyong magtrabaho kasama ang iba, at pasasalamat sa regalo ng Diyos, na nagbigay-daan sa atin na gamitin ang sakuna at baguhin ito upang maging paglago at magandang kapalaran.
Napagtanto ko na ba na ang pagmamataas ay ang karakter gaya ng attic (kuwarto sa pagitan ng kisame at bubungan) sa bahay—ang pinakamataas na bahagi, at sa pangkalahatan ang pinaka walang laman?
Ngayon ipinagdarasal ko…
Diyos, mangyaring sabihin niyo sa akin kung nagmamataas na naman ako. Sa kabutihang-palad para sa akin, ang Programa ng Gamblers Anonymous ay may sariling itinayong pagsusuri para sa mga kapintasang tulad nito—ang malinaw na paningin ng grupo, na nakikita sa akin kung ano ang minsan ay hindi ko nakikita sa aking sarili. Nawa’y malaman ko na ang anumang uri ng tagumpay ay palaging dumiretso sa aking ulo, at bantayan ko ito habang sinisimulan kong buuin muli ang aking kumpiyansa.
Ngayon tatandaan ko…
Ang mayabang na tagumpay ay maaaring magpa-urong sa akin.
*** PAUNAWA: Pinapaalam po na ang pagsasalin sa Tagalog ng “Pagninilay sa Araw na Ito” ay hindi aprubado ng GA International Service Office. Ito po ay ginagawa ng BETS OFF HOME GROUP para makatulong sa mga adik na gustong magbago.