OCTOBER 3 Reflection for the Day

I’ve learned in Gamblers Anonymous that I am wholly powerless over my compulsion. At long last, I’ve conceded my powerlessness; as a result, my life has taken a 180-degree turn for the better. However, I do have a power, derived from God, to change my own life. I’ve learned that acceptance does not mean submission to an unpleasant or degrading situation. It means accepting the reality of the situation and then deciding what, if anything, I can and will do about it.

Have I stopped trying to control the uncontrollable? Am I gaining the courage to change the things I can?

Today I Pray

I ask my Higher Power for direction as I learn to sort out the things I can change from the things I can’t, for that sorting process does, indeed, require God-given wisdom. May the things I cannot change not give me an excuse for inactivity. May the things I can not include managing other people’s lives. May I start to understand my own reality.

Today I Will Remember

Acceptance is not inactivity. Change is not domination.

TAGALOG VERSION

Ika-3 ng Oktubre

Pagninilay para sa Araw na ito

Natutuhan ko sa Gamblers Anonymous na ako ay ganap na walang kapangyarihan sa aking kompulsyon. Sa wakas, sinuko ko ang aking kawalang-kapangyarihan; dahil dito, bumaliktad ang buhay ko. Gayunman, may kapangyarihan ako, nagmula sa Diyos, na baguhin ang sarili kong buhay. Nalaman ko na ang pagtanggap ay hindi nangangahulugang pagsunod sa hindi kasiya-siya o nakapagpapababang sitwasyon. Ibig sabihin nito ay tanggapin ang katotohanan ng sitwasyon at pagkatapos ay magpasiya kung ano, kung mayroon man, ang kaya at pwede kong gawin dito.

Tumigil na ba ako sa pagsisikap na kontrolin ang hindi ma-kontrol? Nagkaroon ba ako ng lakas ng loob na baguhin ang mga bagay na kaya ko?

Ngayon ipinagdarasal ko…

Hinihiling ko sa aking Higher Power na patnubayan ako habang natututo akong pag-isipan ang mga bagay na mababago ko mula sa mga bagay na hindi, sapagkat ang prosesong iyon ng pag-aayos, ay tunay ngang nangangailangan ng karunungan mula sa Diyos. Nawa’y ang mga bagay na hindi ko mabago ay ‘wag magbigay ng dahilan sa aking ‘di pagkilos. Nawa’y hindi ko maisama ang pamamahala sa buhay ng ibang tao. Nawa’y maunawaan ko ang sarili kong katotohanan.

Ngayon tatandaan ko…

Ang pagtanggap ay kabaliktaran ng pagiging hindi aktibo. Ang pagbabago ay hindi dominasyon.


*** PAUNAWA: Pinapaalam po na ang pagsasalin sa Tagalog ng “Pagninilay sa Araw na Ito” ay hindi aprubado ng GA International Service Office. Ito po ay ginagawa ng BETS OFF HOME GROUP para makatulong sa mga adik na gustong magbago.