When I’m motivated by pride—by bondage of self—I become partly or even wholly blind to my liabilities and shortcomings. At that point, the last thing I need is comfort. Instead, I need an understanding friend in the Gamblers Anonymous Program—a friend who’ll unhesitatingly chop a hole through the wall my ego has built so that the light of reason can once again shine through.
Do I take time to review my progress, to spot-check myself on a daily basis, and to promptly try to remedy my wrongs?
Today I Pray
I pray that the group—or just one friend—will be honest enough to see my slippery manifestations of pride and brave enough to tell me about them. My self-esteem was starved for so long that, with my first successes in the GA Program, it may swell to the gross proportions of self-satisfaction. May a view from outside myself give me a true picture of how I am handling the triumph of my abstinence—with grateful humility or with pride.
Today I Will Remember
Self-esteem or self-satisfaction?
TAGALOG VERSION
Ika-30 ng Oktubre
Pagninilay para sa Araw na ito
Kapag naudyukan ako ng pagmamataas—sa pamamagitan ng pagkaalipin sa sarili—nagiging bahagya o ganap na bulag ako sa aking mga pananagutan at pagkukulang. Sa puntong iyon, ang huling bagay na kailangan ko ay ginhawa. Sa halip, kailangan ko ng isang maunawaing kaibigan sa Programa ng Gamblers Anonymous—isang kaibigan na walang pag-aalinlangan na sisirain ang pader na binuo ng aking yabang upang muling sumikat sa akin ang liwanag ng katwiran.
Naglalaan ba ako ng oras upang suriin ang aking pag-unlad, upang makita ang aking sarili araw-araw, at upang agad na subukang ayusin ang aking mga pagkakamali?
Ngayon ipinagdarasal ko…
Dalangin ko na ang grupo—o kahit isang kaibigan lang—ay maging tapat na makita ang aking madulas na pagpapakita ng pagmamataas at magkaroon siya ng sapat na lakas ng boob na sabihin sa akin ang tungkol sa pagmamataas ko. Ang aking pagpapahalaga sa sarili ay ginutom sa napakatagal na panahon na, sa aking mga unang tagumpay sa Programa ng GA, maaari itong lumaki hanggang sa garapal na sukat ng pansariling kasiyahan. Nawa’y ang isang pananaw mula sa labas ng aking sarili ay magbigay sa akin ng isang tunay na larawan kung paano ko hinahawakan ang tagumpay ng aking pag-iwas sa sugal—nang may mapagpasalamat na pagpapakumbaba o may pagmamataas.
Ngayon tatandaan ko…
Pagpapahalaga sa sarili o pansariling kasiyahan?
*** PAUNAWA: Pinapaalam po na ang pagsasalin sa Tagalog ng “Pagninilay sa Araw na Ito” ay hindi aprubado ng GA International Service Office. Ito po ay ginagawa ng BETS OFF HOME GROUP para makatulong sa mga adik na gustong magbago.