I remember once hearing someone in the Gamblers Anonymous Program say, Life is a series of agreeings or disagreeings with the universe. There is much truth in that statement, for I’m only a small cog in the machinery of the universe. When I try to run things my way, I’ll experience only frustration and a sense of failure. If, instead, I learn to let go, success will assuredly be mine. Then I’ll have time to count my blessings, work on my shortcomings, and live fully and richly in the Now.
Do I believe that what I am meant to know I will know if I practice the Eleventh Step—praying only for the knowledge of His will for us and the power to carry that out?
Today I Pray
May I take my direction from the Eleventh Step—and not fall into my usual habit of making itemized lists for God of all my pleas and entreaties and complaints. May I no longer second-guess God with my specific solutions, but pray only that His will be done. May I count my blessings instead of my beseechings.
Today I Will Remember
Stop list-making for God.
TAGALOG VERSION
Ika-9 ng Oktubre
Pagninilay para sa Araw na ito
Naaalala ko minsang narinig ko ang isang tao sa GA Program na nagsabi, Ang buhay ay isang serye ng mga pagsang-ayon o hindi pagkakasundo sa uniberso. Makatotohanan ang pahayag na iyon, dahil ako ay isang maliit na parte lamang sa makinarya ng uniberso. Kapag sinubukan kong gawin ang aking paraan, makakaranas lamang ako ng pagkayamot at pagkabigo. Kung, sa halip, matuto akong bumitaw, tiyak na magiging akin ang tagumpay. Pagkatapos ay magkakaroon ako ng oras upang bilangin ang aking mga biyaya, trabahuhin ang aking mga pagkukulang, at mamuhay nang buo at masagana sa Kasalukuyan.
Naniniwala ba ako na ang dapat kong malaman ay malalaman ko kung isasabuhay ko ang Eleventh Step—nagdarasal lamang para sa kaalaman ng Kanyang kalooban para sa atin at sa kapangyarihang maisakatuparan iyon?
Ngayon ipinagdarasal ko…
Nawa’y sundin ko ang Eleventh Step—at huwag mahulog sa aking nakagawiang paggawa ng mga naka-itemize na listahanng lahat ng aking mga pagsusumamo at reklamo para sa Diyos. Nawa’y hindi ko na pagdudahan ang Diyos sa aking mga tiyak na solusyon, ngunit manalangin lamang na mangyari ang Kanyang kalooban. Nawa’y bilangin ko ang aking mga pagpapala sa halip na ang aking mga kahilingan.
Ngayon tatandaan ko…
Huwag gumawa ng listahan para sa Diyos.
*** PAUNAWA: Pinapaalam po na ang pagsasalin sa Tagalog ng “Pagninilay sa Araw na Ito” ay hindi aprubado ng GA International Service Office. Ito po ay ginagawa ng BETS OFF HOME GROUP para makatulong sa mga adik na gustong magbago.