SEPTEMBER 22 Reflection for the Day

For a considerable period of time after I reached Gamblers Anonymous, I let things I couldn’t do keep me from doing the things I could. If I was bothered by what a speaker or other people said, I retreated, sulking, into my shell. Now, instead of being annoyed or defensive when someone strikes a raw nerve, I try to welcome it—because it allows me to work on my attitudes and perceptions of God, self, other people, and my life situation. We may no longer gamble compulsively, but we sometimes have a compulsive thinking problem.

Am I willing to grow—and grow up?

Today I Pray

May God give me courage to test my new wings—even a feather at a time. May I not wait to be entirely whole before I re-enter the world of everyday opportunity, for recovery is ongoing and growth comes through challenges. May I no longer make desperate stabs at perfection, but keep my aims in sight and develop as I live—a day at a time.

Today I Will Remember

Things I can’t do should not get in the way of things I can.


TAGALOG VERSION

Ika-22 ng Setyembre

Pagninilay para sa Araw na ito

Sa loob ng maraming panahon matapos kong marating ang Gamblers Anonymous, hinayaan kong pigilan ako ng mga bagay na hindi ko kaya para gawin ang mga bagay na kaya ko. Kung nabagabag ako sa sinabi ng isang nagbabahagi o ng ibang tao, umurong ako, at nagmumukmok, at gustong mapag-isa. Ngayon, sa halip na mainis o maging bugnutin kapag may isang taong nagpapainit sa aking dugo, sinisikap kong tanggapin ito—dahil tinuturuan ako nitong ayusin ang aking mga pag-uugali at pag-unawa sa Diyos, sa sarili, sa ibang tao, at sa buhay ko. Maaaring hindi na tayo nagsusugal nang kompulsibo, ngunit kung minsan ay may malaking problema tayo sa kompulsibong pag-iisip.

Handa ba akong umunlad—at lumaki nang matino?

Ngayon ipinagdarasal ko…

Nawa’y bigyan ako ng Diyos ng lakas ng loob na subukan ang bago kong mga pakpak—maging isang balahibo paminsan-minsan. Nawa’y hindi na ako maghintay lubos na maging buo bago ako bumalik sa mundo ng araw-araw na pagkakataon, sapagkat ang paggaling ay patuloy at ang pag-unlad ay dumarating sa pamamagitan ng mga hamon. Nawa’y hindi na ako desperadong maging perpekto, ngunit panatilihing makatotohanan ang aking mga layunin at umunlad habang ako ay nabubuhay—nang isang araw bawat pagkakataon.

Ngayon tatandaan ko…

Ang mga bagay na hindi ko magagawa ay hindi dapat humadlang sa mga bagay na kaya ko.