Is freedom from compulsive gambling all that we’re to expect from a spiritual awakening? Not at all. Freedom from our addiction is only the bare beginning; it’s only the first gift of our first awakening. Obviously, if more gifts are to come our way, our awakening has to continue. As it does continue, we find that slowly but surely we can scrap the old life—the one that didn’t work—for a new life that can and does work under any and all conditions.
Am I willing to continue my awakening through the practice of the Twelve Steps of Recovery?
Today I Pray
May I remember how it was when my only goal in life was to be free of compulsive gambling. All the words and phrases I used were stoppers—giving it up, quitting, cutting myself off. Once I was free, I began to realize that my freedom had more to do with beginning than stopping. May I now continue to think in terms of starters—expanding, awakening, growing, learning, becoming…
Today I Will Remember
My stopping was a starting point.
TAGALOG VERSION
Ika-26 ng Setyembre
Pagninilay para sa Araw na ito
Ang kalayaan ba mula sa kompulsibong pagsusugal ang lahat ng inaasahan natin mula sa isang espirituwal na paggising? Hindi talaga. Ang kalayaan mula sa ating adiksyon ay pasimula lamang; ito lamang ang unang regalo ng ating unang pagkamulat. Malinaw, kung mas maraming regalo ang darating sa atin, ang ating pagmulat ay kailangang magpatuloy. Habang nagpapatuloy ito, nalaman natin na dahan-dahan ngunit tiyak na maaari nating ibasura ang lumang buhay—ang hindi gumana—para sa isang bagong buhay na magagawa at gumagana sa lahat at anumang kundisyon.
Handa ba akong ipagpatuloy ang aking pagkamulat sa pamamagitan ng pagsasagawa ng Twelve Steps of Recovery?
Ngayon ipinagdarasal ko…
Nawa’y maalala ko kung paano noong ang tanging layunin ko sa buhay ay ang maging malaya sa kompulsibong pagsusugal. Ang lahat ng mga salita at parirala na ginamit ko ay tungkol sa pagtigil – pasuko, pagtigil, pagputol sa kaugnayan ko rito. Sa sandaling ako’y malaya na, nagsimula kong mapagtanto na ang aking kalayaan ay may higit na kinalaman sa simula kaysa sa pagtigil. Nawa’y patuloy akong mag-isip sa alinsunod sa kaisipan ng pagsisimula—lumalawak, gumigising, umuunlad, natututo, nagiging…
Ngayon tatandaan ko…
Ang aking paghinto ay ang aking panimula.