SEPTEMBER 28 Reflection for the Day

Now that we’re free from our compulsion to gamble, and living life one day at a time, we can begin to stop making unreasonable demands upon those we love. We can show kindness where we had shown none; we can take the time and initiative to be thoughtful, considerate, and compassionate. Even with people we dislike, we can at least try to be courteous, at times literally going out of our way to understand and help them.

Just for today, will I try to understand rather than be understood, being courteous and respectful to all people with whom I’m in contact?

Today I Pray

May I never forget my old sponge-like self, who soaked up every drop of affection and attention my family or friends could give me, until they were sapped dry. May I learn to be a giver, rather than a constant taker. May I practice offering interest, kindness, consideration, and compassion until sensitivity to others becomes second nature to me.

Today I Will Remember

Giving is part of being.


TAGALOG VERSION

Ika-28 ng Setyembre

Pagninilay para sa Araw na ito

Ngayong malaya na tayo sa ating kompulsibong pagsusugal, at namumuhay sa bawat isang araw, maaari na tayong magsimulang huminto sa paggawa ng hindi makatuwirang mga kahilingan sa mga mahal natin. Maaari tayong magpakita ng kabaitan kung saan hindi natin ipinakita noon; maaari tayong maglaan ng oras at inisyatibo upang maging maalalahanin, makonsiderasyon, at mahabagin. Kahit na sa mga taong hindi natin gusto, maaari nating subukan na maging magalang, kung minsan ay literal na ginagawa ang ating lahat ng makakaya upang maunawaan at matulungan sila.

Sa araw lang na ito, susubukan ko bang umunawa sa halip na unawain, maging magalang at mapitagan sa lahat ng taong nakakausap ko?

Ngayon ipinagdarasal ko…

Nawa’y hindi ko makalimutan ang dating mala-espongha kong sarili, na sumipsip sa bawat patak ng pagmamahal at atensyon na maibibigay sa akin ng aking pamilya o mga kaibigan, hanggang sa sila ay matuyo. Nawa’y matuto akong maging isang tagabigay, sa halip na isang patuloy na kumukuha. Nawa’y magsanay akong mag-alok ng interes, kabaitan, konsiderasyon, at pakikiramay hanggang sa maging likas na sa akin ang pagiging sensitibo sa iba.

Ngayon tatandaan ko…

Ang pagbibigay ay bahagi ng pagiging tao.