Sometimes, even when friends in and outside of the Gamblers Anonymous Program tell us how well we’re doing, we know deep down that we’re really not doing well enough. We still have trouble handling life and facing reality on reality’s terms. We suspect, at those times, that there must be a serious flaw in our spiritual practice and development. Chances are strong that our trouble lies in either the misunderstanding or neglect of Step Eleven—prayer, meditation, and the guidance of God. The other Steps can keep most of us clean and functioning. But Step Eleven can keep us growing—so long as we try hard and work at it continuously.
Do I trust infinite God rather than my finite self?
Today I Pray
I pray for a deepening of my spiritual awareness, for a stronger faith in the Unseen, for a closer communion with my Higher Power. May I realize that my growth in the GA Program depends on my spiritual development. May I give over more of my trust to God’s eternal wisdom.
Today I Will Remember
I will not give in or give up, but give over to the power of God.
TAGALOG VERSION
Ika-3 ng Setyembre
Pagninilay para sa Araw na ito
Minsan, kahit na sabihin sa atin ng mga kaibigan sa loob at labas ng Programa ng Gamblers Anonymous kung gaano tayo kahusay, alam natin sa sarili natin na talagang hindi tayo sapat na mahusay. Nahihirapan pa rin tayo sa buhay at sa pagharap sa katotohanan ayon sa sarili nitong mga tuntunin. Pinaghihinalaan natin, sa mga oras na iyon, na mukhang mayroong isang seryosong kapintasan sa ating espiritwal na pagsasanay at pag-unlad. Malakas ang tsansa na ang ating problema ay nakasalalay sa hindi pagkakaunawa o pagpapabaya sa ika-11 na Hakbang—pagdarasal, pagninilay, at ang patnubay ng Diyos. Ang iba pang mga Hakbang ay kaya ang karamihan sa atin na panatilihing malinis at umaandar sa buhay. Ngunit ang ika-11 na Hakbang ay kayang panatilihin tayong lumalago—basta’t pinagsisikapan natin ito at patuloy itong tinatrabaho.
Nagtitiwala ba ako sa walang hanggang Diyos kaysa sa aking sarili na may hangganan?
Ngayon ipinagdarasal ko…
Ipinagdarasal ko ang pagpapalalim ng aking kamalayan sa espirituwalidad, para sa isang mas malakas na pananampalataya sa Hindi Nakikita, para sa isang mas malapit na pakikipag-isa sa aking Higher Power. Nawa’y mapagtanto ko na ang aking paglago sa Programa ng GA ay nakasalalay sa aking espirituwal na pag-unlad. Nawa’y ibigay ko ang higit pa ng aking tiwala sa walang hanggang karunungan ng Diyos.
Ngayon tatandaan ko…
Hindi ako magpapatalo o susuko, ngunit ibibigay ang sarili sa kapangyarihan ng Diyos.