Though I have prayed at various times in my life, I realized after several months in Gamblers Anonymous that I’d never really prayed properly. I’d always tried to make deals with God, much like a foxhole atheist; I’d always pleaded, Grant me my wishes, instead of Thy will—not mine—be done. The result was that I remained self-deceived and was thus incapable of receiving enough grace to restore me to a saner way of life.
Do I see that, in the past, when I prayed to God, I usually asked that two and two not make four?
Today I Pray
May I look back and review how I have prayed before, for specific solutions that I, from my earthly vantage, felt were best. May I question, in the longer view of time, whether those solutions would have been right had God chosen to do things my way. In retrospect, may I see that my pleas were not always so wise. May I be content to trust God.
Today I Will Remember
God may not do it my way.
TAGALOG VERSION
Ika-4 ng Setyembre
Pagninilay para sa Araw na ito
Kahit na nagdasal ako sa iba’t ibang oras ng aking buhay, napagtanto ko pagkatapos ng maraming buwan sa Gamblers Anonymous na hindi talaga ako nanalangin nang maayos. Palagi kong sinubukan na makipag-negosasyon sa Diyos, kagaya ng isang taong hindi naniniwala sa diyos; Palagi akong nagmamakaawa, Ibigay mo sakin ang aking mga kahilingan, sa halip na ang Iyong kalooban—hindi ang sa akin—ang mangyari. Ang resulta ay nanatili akong nalinlang sa sarili at sa gayon ay walang kakayahang makatanggap ng sapat na biyaya upang maibalik ako sa isang mas malinis na pamumuhay.
Nakikita ko ba na, sa nakaraan, kapag nagdarasal ako sa Diyos, karaniwang hinihiling ko na ang dalawa kapag dinagdagan ng dalawa ay hindi maging apat?
Ngayon ipinagdarasal ko…
Nawa’y magbalik tanaw ako at suriin kung paano ako nagdarasal noon, para sa mga tiyak na solusyon, mula sa aking makamundong paningin, na nadama kong pinakamahusay. Nawa’y magtanong ako, mula sa paningin ng mas matagal na paglipas ng oras, kung naging tama kaya ang mga solusyon na iyon kung pinili ng Diyos na gawin ang mga bagay ayon sa aking pamamaraan. Sa pagbabalik-tanaw, nawa’y makita ko na ang aking mga pakiusap ay hindi palaging napakatalino. Nawa’y makuntento akong magtiwala sa Diyos.
Ngayon tatandaan ko…
Maaaring hindi ito gawin ng Diyos sa aking pamamaraan.