APRIL 30 Reflection for the Day

We’re taught that faith without works is dead. How true this is for the compulsive gambler. For if we fail to perfect or enlarge our spiritual lives through work and self-sacrifice for others, we’re not equipped to survive the trials and low spots ahead. If we don’t practice the Gamblers Anonymous Program, we’ll surely return to gambling; and if we return to gambling, we’ll likely die. Then faith will be dead indeed.

Do I believe, through my faith, that I can be uniquely useful to those who still suffer?

Today I Pray

May my faith in my Higher Power and in the influence of GA be multiplied within me as I pass it along to others who are overcoming the compulsion to gamble. May I be certain that my helping others is not simply repaying my debts; it is the only way I know to continue my spiritual growth and maintain my own abstinence.

Today I Will Remember

The more faith I can give, the more I will have.

TAGALOG VERSION

Ika-30 ng Abril

Pagninilay para sa Araw na ito

Itinuro sa atin na ang pananampalataya na walang gawa ay patay. Gaano ito katotoo para sa adik na sugarol. Sapagkat kung mabigo tayong gawing perpekto o palakihin ang ating espirituwal na buhay sa pamamagitan ng paggawa at pagsasakripisyo ng sarili para sa iba, hindi tayo handa upang malagpasan ang mga pagsubok at paghihirap sa hinaharap. Kung hindi natin isasagawa ang Programa ng Gamblers Anonymous, tiyak na babalik tayo sa pagsusugal; at kung babalik tayo sa pagsusugal, malamang na mamamatay tayo. Kung gayon ang pananampalataya ay talagang patay.

Naniniwala ba ako, sa pamamagitan ng aking pananampalataya, na maaari akong maging natatanging kapaki-pakinabang sa mga nagdurusa pa rin?

Ngayon ipinagdarasal ko…

Nawa’y dumami sa loob ko ang aking pananampalataya sa aking Higher Power at sa impluwensya ng GA habang ipinapasa ko ito sa iba na lumalaban sa adiksyon sa sugal. Nawa’y makatiyak ako na ang aking pagtulong sa iba ay hindi lamang pagbabayad ng aking mga utang; ito ang tanging paraan na alam ko para ipagpatuloy ang aking espirituwal na paglago at mapanatili ang sarili kong pag-iwas.

Ngayon tatandaan ko…

Ang mas maraming pananampalataya na kaya kong ibigay, mas magkakaroon ako nito.


*** PAUNAWA: Pinapaalam po na ang pagsasalin sa Tagalog ng “Pagninilay sa Araw na Ito” ay hindi aprubado ng GA International Service Office. Ito po ay ginagawa ng BETS OFF HOME GROUP para makatulong sa mga adik na gustong magbago.