MAY 1 Reflection for the Day

For those of us who have lost our faith, or who have always had to struggle along without it, it’s often helpful just to accept—blindly and with no reservations. It’s not necessary for us to believe at first; we need not be convinced. If we can only accept, we find ourselves becoming gradually aware of a force for good that’s always there to help us.

Have I taken the way of faith?

Today I Pray

May I abandon my need to know the why’s and wherefore’s of my trust in a Higher Power. May I not intellectualize about faith, since by its nature it precludes analysis. May I know that head-tripping was a symptom of my disease, as I strung together—cleverly, I thought—alibi upon excuse upon rationale. May I learn acceptance, and faith will follow.

Today I Will Remember

Faith follows acceptance.

TAGALOG VERSION

Ika-1 ng Mayo

Pagninilay para sa Araw na ito

Para sa atin na nawalan ng pananampalataya, o na palaging nahihirapan nang wala nito, madalas na kapaki-pakinabang na tanggapin na lamang ito—nang walang pag-iisip at walang mga pag-aalinlangan. Hindi kinakailangan na maniwala tayo sa simula; hindi tayo dapat kumbinsido. Kung kaya lamang nating tanggapin, makikita natin ang ating mga sarili na unti-unting namumulat sa isang puwersa para sa kabutihan na laging nariyan upang tulungan tayo.

Tinahak ko ba ang landas ng pananampalataya?

Ngayon ipinagdarasal ko…

Nawa’y talikuran ko ang aking pangangailangan na malaman kung bakit o ano ang mga kadahilanan ng aking pagtitiwala sa isang Higher Power. Nawa’y hindi ko bigyan ng intelektwal na pangangatwiran ang pananampalataya, dahil sa likas na katangian nito ay hinahadlangan nito ang pagsusuri. Nawa’y malaman ko na ang masyadong pag-iisip ay isang sintomas ng aking sakit, habang pinaghahalo ko—na inakala ko sa matalinong paraan—ang patong-patong na dahilan, paliwanag, at katuwiran. Nawa’y matutunan ko ang pagtanggap, at susunod dito ang pananampalataya.

Ngayon tatandaan ko…

Ang pananampalataya ay sumusunod sa pagtanggap.


*** PAUNAWA: Pinapaalam po na ang pagsasalin sa Tagalog ng “Pagninilay sa Araw na Ito” ay hindi aprubado ng GA International Service Office. Ito po ay ginagawa ng BETS OFF HOME GROUP para makatulong sa mga adik na gustong magbago.