AUGUST 6 Reflection for the Day

Sometimes through bitter experience and painful lessons, we learn in our fellowship with others in Gamblers Anonymous that resentment is our number one enemy. It destroys more of us than anything else. From resentment stem all forms of spiritual disease, for we’ve been not only mentally and physically ill, but spiritually ill as well. As we recover and as our spiritual illness is remedied, we become well physically and mentally.

Am I aware that few things are more bitter than to feel bitter? Do I see that my venom is more poisonous to me than to my victim?

Today I Pray

I ask for help in removing the pile of resentments I have collected. May I learn that resentments are play-actors, too; they may be fears—losing a job, a love, an opportunity; they may be hurts or guilty feelings. May I know that God is my healer. May I admit my need.

Today I Will Remember

Resentments are rubbish; haul them away.

TAGALOG VERSION

Ika-6 ng Agosto

Pagninilay para sa Araw na ito

Minsan sa mapait na karanasan at masasakit na aral, natututo tayo sa ating fellowship sa iba sa Gamblers Anonymous na ang sama ng loob ang numero unong kalaban natin. Ito ay sumisira ng higit sa atin kaysa anupaman. Mula sa sama ng loob ay nagmumula ang lahat ng anyo ng espirituwal na sakit, dahil hindi lang tayo may sakit sa isip at pisikal, kundi may sakit din sa espirituwal. Habang tayo ay nagpapagaling at habang ang ating espirituwal na karamdaman ay nalulunasan, tayo ay gumagaling sa pisikal at isip.

Alam ko ba na kakaunting bagay ang mas mapait kaysa makaramdam ng pait? Nakikita ko ba na ang aking kamandag ay mas nakakalason sa akin kaysa sa aking biktima?

Ngayon ipinagdarasal ko…

Humihingi ako ng tulong para maalis ang naipon kong tambak na sama ng loob. Nawa’y malaman ko na ang mga sama ng loob ay pagpapanggap din; maaaring mga takot ang mga ito—mawalan ng trabaho, pag-ibig, pagkakataon; sila ay maaaring mga pakiramdam ng nasaktan o nagkasala. Nawa’y malaman ko na ang Diyos ang aking manggagamot. Nawa’y aminin ko ang aking pangangailangan.

Ngayon tatandaan ko…

Ang mga sama ng loob ay basura; itapon sila.



*** PAUNAWA: Pinapaalam po na ang pagsasalin sa Tagalog ng “Pagninilay sa Araw na Ito” ay hindi aprubado ng GA International Service Office. Ito po ay ginagawa ng BETS OFF HOME GROUP para makatulong sa mga adik na gustong magbago.