We sometimes hear someone say, He is standing in his own light. A mental picture then clearly reveals that many of us tend to shadow our own happiness by mistaken thinking. Let us learn to stand aside so the light can shine on us and all we do. For only then can we see ourselves and our circumstances with true clarity. With the Gamblers Anonymous Program of Recovery, we no longer need to stand in our own light and try alone to solve our problems in darkness.
When I am faced with a seemingly insolvable problem, will I ask myself if I am standing in my own light?
Today I Pray
May I not get in my own way, obscure my own clarity of thought, stumble over my own feet, block my own doorway to recovery. If I find that I am standing in my own light, may I ask my Higher Power and my friends in the group to show me a new vantage point.
Today I Will Remember
If all I can see is my shadow, I’m in my own light.
TAGALOG VERSION
Ika-13 ng Pebrero
Pagninilay para sa Araw na ito
Minsan may naririnig tayong nagsasabing, Siya ay nakatayo sa sarili niyang liwanag. Ang isang larawan sa utak natin ay pagkatapos malinaw na nagpapakita na marami sa atin ay mahilig na tinatakpan ng anino ang ating sariling kaligayahan sa pamamagitan ng maling pag-iisip. Matuto tayong tumabi upang ang liwanag ay sumikat sa atin at sa lahat ng ating ginagawa. Dahil doon lamang natin makikita ang ating sarili at ang ating mga kalagayan nang may tunay na kalinawan. Sa Programa ng Paggaling ng Gamblers Anonymous, hindi na natin kailangang tumayo sa sarili nating liwanag at subukang mag-isang lutasin ang ating mga problema sa kadiliman.
Kapag nahaharap ako sa isang tila hindi malulutas na problema, tatanungin ko ba ang aking sarili kung nakatayo ako sa sarili kong liwanag?
Ngayon ipinagdarasal ko…
Nawa’y hindi ako maging balakid sa sarili ko, hindi ko palabuin ang sarili kong kalinawan ng pag-iisip, hindi ako matisod sa sarili kong mga paa, hindi ko harangan ang sarili kong pintuan sa paggaling. Kung nalaman kong nakatayo ako sa sarili kong liwanag, nawa’y hilingin ko sa aking Higher Power at sa aking mga kaibigan sa grupo na ipakita sa akin ang isang bagong pananaw.
Ngayon tatandaan ko…
Kung anino ko lang ang nakikita ko, ako ay nasa sarili kong liwanag.
*** PAUNAWA: Pinapaalam po na ang pagsasalin sa Tagalog ng “Pagninilay sa Araw na Ito” ay hindi aprubado ng GA International Service Office. Ito po ay ginagawa ng BETS OFF HOME GROUP para makatulong sa mga adik na gustong magbago.