MARCH 27 Reflection for the Day

Storing up grievances is not only a waste of time, but a waste of life that could be lived to greater satisfaction. If I keep a ledger of oppressions and indignities, I’m only restoring them to painful reality. In Lewis Carroll’s Through the Looking Glass, ‘The horror of that moment,’ the King said, ‘I shall never, never forget.’ ‘You will though,’ said the Queen, ‘if you don’t make a memorandum of it.’

Am I keeping a secret storehouse for the wreckage of my past?

Today I Pray

God keep me from harboring the sludge from the past—grievances, annoyances, grudges, oppressions, wrongs, injustices, put-downs, slights, hurts. They will nag at me and consume my time in rehashing what I might have said or done, until I face each one, name the emotion it produces in me, settle it as best I can—and forget it. May I empty my storehouse of old grievances.

Today I Will Remember

Don’t rattle old bones.

TAGALOG VERSION

Ika-27 ng Marso

Pagninilay para sa Araw na ito

Ang pag-iimbak ng mga hinaing ay hindi lamang isang pag-aaksaya ng oras, ngunit isang pag-aaksaya ng buhay na maaaring isabuhay sa higit na kasiyahan. Kung magtatago ako ng isang listahan ng mga pang-aapi at pang-iinsulto, ibinabalik ko lang sila sa masakit na katotohanan. Sa Through the Looking Glass ni Lewis Carroll, ‘Ang kakila-kilabot ng sandaling iyon,’ ang sabi ng Hari, ‘Hinding-hindi ko malilimutan.’ ‘Magagawa mo,’ sabi ng Reyna, ‘kung hindi ka gagawa ng isang listahan tungkol dito.’

Nagtatago ba ako ng isang lihim na imbakan para sa pagkawasak ng aking nakaraan?

Ngayon ipinagdarasal ko…

Diyos huwag mo ako hayaang magkimkim ng putik mula sa nakaraan—mga hinaing, inis, sama ng loob, pang-aapi, kamalian, kawalang-katarungan, pang-iinsulto, paninira, pananakit. Mangungulit sila sa akin at uubusin ang oras ko sa pagbabalik-tanaw sa maaaring sinabi o nagawa ko, hanggang sa harapin ko ang bawat isa, pangalanan ang emosyon na dulot nito sa akin, ayusin ito sa abot ng aking makakaya—at kalimutan ito. Nawa’y tanggalan ko ng laman ang aking imbakan ng mga lumang hinaing.

Ngayon tatandaan ko…

Huwag kalampagin ang mga lumang buto.


*** PAUNAWA: Pinapaalam po na ang pagsasalin sa Tagalog ng “Pagninilay sa Araw na Ito” ay hindi aprubado ng GA International Service Office. Ito po ay ginagawa ng BETS OFF HOME GROUP para makatulong sa mga adik na gustong magbago.