Absolute humility means freedom from myself, freedom from the demands that my character defects place so heavily upon me. Humility means the willingness to discover and carry out the will of God. Although I do not presume to attain such a vision, just keeping it in my heart helps me know where I stand on the road to humility. I recognize that my journey toward God has barely begun. As I shrink in self-importance, I may even find the humor in my former pomp and ego-tripping.
Do I take myself too seriously?
Today I Pray
May the grandiosity that is a symptom of my addiction be brought back into proportion by the simple comparison of my powerlessness with the power of God. May I think of the meaning of Higher Power as it relates to my human frailty. May it bring my ego back down to scale and help me shed my defenses of pomp or bluster or secret ideas of self-importance.
Today I Will Remember
Humility is freedom.
TAGALOG VERSION
Ika-30 ng Marso
Pagninilay para sa Araw na ito
Ang ganap na pagpapakumbaba ay nangangahulugan ng kalayaan mula sa aking sarili, kalayaan mula sa mga labis na hinihingi sa akin na inilalagay ng aking mga depekto sa pagkatao. Ang kababaang-loob ay nangangahulugan ng pagpayag na tuklasin at isakatuparan ang kalooban ng Diyos. Bagama’t hindi ko ipinapalagay na makamit ang gayong pananaw, ang pag-iingat lamang nito sa aking puso ay tumutulong sa akin na malaman kung saan ako nakatayo sa daan patungo sa kababaang-loob. Alam ko na ang aking paglalakbay patungo sa Diyos ay halos hindi pa nagsisimula. Habang lumiliit ako sa pagbibigay importansya sa aking sarili, baka makita ko pa ang katatawanan sa aking dating karangyaan at kayabangan sa sarili.
Masyado ko bang sineseryoso ang sarili ko?
Ngayon ipinagdarasal ko…
Nawa’y ang pagiging engrande na sintomas ng aking adiksyon ay maibalik sa proporsyon sa pamamagitan ng simpleng paghahambing ng aking kawalan ng kapangyarihan sa kapangyarihan ng Diyos. Nawa’y isipin ko ang kahulugan ng Higher Power ayon sa pagkakaugnay nito sa aking kahinaan bilang tao. Nawa’y ibalik nito pababa ang aking ego o yabang sa sarili at tulungan akong ilaglag ang aking mga depensa ng karangyaan o kabulastugan o mga lihim na ideya ng pagbibigay importansya sa sarili.
Ngayon tatandaan ko…
Ang pagpapakumbaba ay kalayaan.
*** PAUNAWA: Pinapaalam po na ang pagsasalin sa Tagalog ng “Pagninilay sa Araw na Ito” ay hindi aprubado ng GA International Service Office. Ito po ay ginagawa ng BETS OFF HOME GROUP para makatulong sa mga adik na gustong magbago.